pa suggest po mga mommies

Baka may pwede po kayo masuggest na gamot png uti 35weeks napo baby bump. Ko slamat

31 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

bawal po mag self medicate lalo na at buntis ka po mamsh, mas mabuti pong magpa check up ka po then magpalaboratory ng ihi para malaman kung anong gamot ang ibibigay sayo kasi magkakaiba po ng dosage ng gamot ang ibinibigay nasa taas o baba ng infection na nakita.

More water ka sis. Buko juice sa umaga pagkatapos mong maligo. And bili ka betadine vaginal wash. Gamitin mong pang hugas sa pem2 ganyan din kasi ung gamot ko wala naman nerisita na capsule na gamot

Pacheck up ka if need mo mag antibiotic kasi pag mataas na infection d pdeng tubig or buko juice lang. Mas mainam po maresolve agad ang uti pag buntis baka kasi maipasa mo infection sa baby mo

More water intake. First thing in the morning fresh buko iniinom ko. naging normal result ng urinalysis ko. Sa meds naman pag buntis ang alam ko cefalexin

Buko juice lng sis and drink plenty of waters.nagka uti dn ako pero after 1 month na palaging paginom ng buko thank God nawala din uti ko sis :)

Consult with your OB. Hindi basta-basta binibigay ang gamot pang-UTI. Di ka rin makakabili nang wala kang reseta.

Super Mum

Mag buko juice po or cranberry juice. Inform nyo din po si OB para maresetahan kau antibiotic na safe sa buntis

Consult your OB. Wag manghingi opinion dito sa itetake po kasi iba iba tayo ng condition sa pagbubuntis. 😊

OB lang pwede mag reseta momsh lalu na sa gamot. Inom ka din cranberry juice kung di mataas sugar mo.

Inum ka po ng sabaw ng buko.. Yun ini inum ko pag morning. May uti din kasi ako.. Effective naman

Related Articles