SHARE KO LANG

So ayun, nasa slimmer side ako kaya maliit lang ako magbuntis, yun din sabi ng OB ko pero very normal naman sa weight and measurement ang baby ko sa loob. Tapos tong mga kamag anak ko panay puna sa akin na magpahilot nga daw kasi ang liit daw ng tiyan ko para daw lumaki, kasi lalaki daw pag hinihilot, eh ayaw ko nga ilang beses ko na sinabi na ayaw ko magpahilot kung gusto nila sila nalang magpahilot! Tapos bigla ako sinabhan na sure ka na tama ang timbang nyan sa loob kasi ang liit ng tiyan mo, ayaw mo magpahilot para magshape ang tiyan mo at mapwesto yang bata sa loob, pinakita ko nga lahat ng ultrasound ko tapos sabi ko bakit may ultrasound ba yang manghihilot nyo para masukat ang anak ko sa loob para sabhn niyong mas alam ng manghihilot na tama timbang ng baby ko tsaka di na need ipostion kasi nasa baba lagi ulo ng baby ko every check up ko ano pa ipoposition ng manghihilot niyo. Inis ako mapilit tlga sabing ayaw eh! HHAAHHA WALA LANG AKO MASABIHAN KAYA DITO AKO NAGSHARE. TRIGGERED AKO TALAGA EH! May ganto dn ba kayong relatives? Kung maka decision naman tlga kala mo naman sila ung nagbubuntis. Wala ako against sa mga nagpapahilot pero may free will naman tayo kung gusto natn o hndi, nakakaloka! 😂 #firsttimemom #firstbaby #justsharing #30weeks #FTM

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

same! case ko naman sa first baby malaki daw tyan ko, sa 2nd baby naman, maliit daw. pero same lang naman sila na normal size based on utz. hehehe. ganyan talaga mga oldies and parentals kailangan may masasabi, though mahirap nga din talaga iignore honestly. hehehe i feel you!

2y ago

Actually ilang beses ko na inignore, yung tono kasi ng pagkakasabi kung sigurado ba daw ako na tama timbang nya and kung anu ano pa. Nawala cool ko kainis 😂

andami nag mamarunong mga wala naman yan alam. hayaan ko na ang importante alam mo sa sarili mo na okay si baby at mas katiwa tiwala talaga ang doctor.