Supernatural Beliefs

Ask lang po kung naniniwala po ba kayo sa aswang? Especially, sa tiktik po na mostly sila yung nagbabantay at pumepeste sa mga buntis at nag bubuntis. How true it is? Tsaka any recommendations nmn po sana if ever, para makasigurado lang po sa kaligtasan ni baby. Maraming salamat po. ?

99 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Share ko lang experience ko sis. 2-3 months ko sa bundok ako namalagi sa bukid namin. Ako lang dun at tatay ko. Minsan dun natutulog kuya ko at pamilya nya. Wala kaming kapitbahay pero sa tabi lang ng highway yung sakahan namin. Mga 10 minutes kung lalakarin mula sa baryo. Isang gabi, tapos ng hapunan namin, nakaupo kaming lahat sa beranda, syempre madilim paligid at maririnig mo lang mga huni ng kulisap at minsan pag may mga motor o sasakyan na dumadaan, maririnig mo rin. Mga prutas halos nakapaligid sa bahay. Sa kalagitnaan ng pag uusap namin, may tiktik na dumaan. Pero mahina lang. At alam mo naman sa baryo, well known kung sino ang may ari ng mga ganyan. Lalo na wakwak. Hindi namin pinansin kasi mahina naman. Katabi ko papa ko. Pagka lipas ng mga 3 minuto, bigla nalang ako napasigaw at napalundag dahil sa gulat. Yung halos nasa likod ko na yung tiktik. Sabi ng papa at kuya ko, kinausap nila yung tik-tik, wala kaming ginagawang masama sayo at kilala ka namin. Kaya wag kang gumawa ng masama dito. Pero sis shookt talaga ako. 😱 Hindi ako natakot para sa sarili ko kundi sa baby ko. Kaya simula nun, hindi na nawawala rosaryo sa bulsa ko, araw gabi. At dun sa kwarto ko, nilalagyan ko ng bawang ang bintana at asin. Kasi minsan nagigising ako ng mga 2 or 3 am kasi nagugutom ako, pumapapak nalang ako ng biscuit habang pinapakinggan ang tiktik na umiikot sa bahay. Tapos naririnig ko papa ko humihilik so ibig sabihin ako lang ang gising. Kaya advise sakin, magsuot ng tops na maitim tuwing gabi. Kaya dinoble ingat ko sarili ko. Sweater or tshirt na maitim suot ko pag gabi. Rosary iniipit ko sa unan ko at sa gilid ng kulambo may bawang din. Hindi naman talaga ako naniniwala masyado sa mga pamahiin pero ayoko e risk yung baby ko. At nagagalit din papa ko pag may mga damit akong nakasampay la sa labas at naabutan ng dilim kasi mabango daw tayong mga buntis sa mga masasamang elemento. Di nya rin ako pinapalabas ng bahay pag 6pm na. Or kung naabutan ng dilim sa labas, kelangan may takip ang ulo mo. Pray lang din talaga sis.

Magbasa pa
6y ago

Ay akala ko sis nakita mo upclose yung tiktik

eto kwento ko lang experience ko sa province namin. dito ako sa manila pinanganak at lumaki tapos nung 4th yr high school ako lumipat kami sa iloilo. bata pa lang ako nakakarinig n ko sa lola ko ng mga ganyang story pero never akong natakot o nagka interest. even nung dalaga n ko at bago pa lng kmi s iloilo lagi kaming winawarningan ng mama at lola ko n wag gagala kng san2 dhil bka daw matipuhan ng aswang. nd ako naninwala haha kc nga nd nmn cla totoo dhil nd ko nmn cla nakikita. tapos nung 2 yrs n cguro kaming nakatira dun nung hatinggabi nagcng ako. kahit rmdam kong ihing ihi n ko pinigil ko p dn kc nga inaantok p ko cguro mga 30 mins n kong half awake nung makarinig ako ng lagatik sa bubong namin. yero lang bubong nmin. ung sound nya is parang tapak ng tao kc nga parang mccra ung bubong. nag dahilan n lng ako s srili ko n baka manok lang un pero kht ako d ko nakumbinsi sarili ko n manok lng un😂 kc kung manok un, sound sna ng kuko nya s bubong un. hanggang s natatakot n ko nd n ko makagalaw😂 as on freeze n lng tlg. nagdasal akong umalos n sna sya para maka ihi n ko. pero s tagal nyang umalis, ung ihi kong pinipigiln nakalimutan ko n tapos nakatulog ako. kinabukasan nd ko n binanggit kaht kanino man lalo s lola ko ung tungkol dun. baka lalo akong matakot eh😂😂

Magbasa pa
6y ago

sakin may beses din n kasama ko lola ko at narinig nya ung aswang. sinipa nya ung pader nmin dahil kubo lang sya. sinipa nya para ipaalam lng s aswang n aware kmi s knya. nramdaman nmin n tumalon sya kc pag tapos sipain ni lola ung pader. pero ni anong tunog wala kaming narinig n bumagsak s lupa. iniisip ko bka lumipad

laking province ako but I never heard about tiktik or aswang. wala naman naniniwala dun samin or nakakita pa, mas naniniwala pa kami sa kulam kesa sa tiktik or aswang. so, mga buntis samin wala din kwento about dun na tinitiktik sila or inaaswang, sa province ang dami puno dun. 10 years na pala ako dito sa manila, so ayun na nga, dito lang ako sa Manila nakarinig ng mga aswang or tiktik. Nung 4 months ang tyan ko, lagi kase natambay yung byenan at hipag ko sa labas ng bahay. Mayat maya papasok yung byenan ko sa house at sasabihan ako na isara yung door kase may tiktik daw. Tinatanong ko siya if pano niya nalaman tapos ayun nga may parang huni daw ng ibon. Minsan may kumakalabog sa bubong namin pag gabi pero deadma ko lang, iniisip ko na pusa kase madami kase pusa dito samin. Siguro nga totoo na may aswang or tiktik pero hindi ako naniniwala. tinuruan pala ako ng pangontra hahah uling tsaka tatlong posporo tapos balutin sa pulang tela, sabit daw sa shirt.

Magbasa pa

i believe in tiktik po pwera biro. may isa ko friend kasi na di namin know na preggy pala super late na ng gabi nsa labas kami then suddenly we heard ung tunog ng tiktik so we stop habang naguusap kmi lahat we all know kasi wala naman buntis sa amin then after weeks buntis pala friend namin di nya lang snasabi naexperience ko na rin yan when i was preggy with my 1st baby every late night meron naglalakad sa bubungan namin then one day mga afternoon noon mga 1 month palang tyan ko may nkasalubong ako na 2 kids bigla nila sinabi masarap sguro ung nasa tyan niyan nagulat ako kasi pano nila nalaman eh dipa halata tyan ko kaya un napatakbo talaga ako at nagpaisip pano nila nalaman then un nga every late night may parang tao naglalakad sa bubungan nmin kahit kapitbahay namin at papa ko naririnig un kaya every late night nagigicng talaga papa ko to check at di na ko pinapatulog ng magisa sa kwarto ko kaya sa kwarto nila mama na ako natutulog

Magbasa pa
VIP Member

Naniniwala ako jan.naranasan ko yan sa unang baby ko.meron talaga kahit dito sa manila.magmula nung nakasalubong nmin sa daan yung kilala nilang aswang hindi ko pa kilala that time.gabi gabi n ko ginagambala.imagine 10pm gising pa ko bigla may babagsak sa bubong sa tapat pa talaga ng higaan ko.at first mga pusa andami sobrang ingay kaya binubugaw nmin pero nung kabilugan ng buwan hindi tlaga xa umalis sa bubong gang madaling araw.sumasakit nun tyan ko everytime n nakakatulog aq tpos nsa bubong pa ung aswang hanggang s hindi xa mpakali s bubong narinig nming mag-asawa sa bubong huni nya "tiktiktiktik" inakyat n s bubong sinabuyan ng biyenan ko ng bigas n my asin.minura mura nya at sinabing kilala kita tigilan m n kakaperwisyo dito s bhay.after nun tumigil na xa.lagi aqng puyat nun.hndi ko malilimutan un pero nasubok ung tapang ko nun.hindi na aq natakot nun.

Magbasa pa

So far wala pa naman ako napansin or naramdaman sis since magbuntis ako. Hindi rin naman masama kung susundin natin yung payo nila about sa mga aswang diba? Ito yung mga sinabi sakin na pang iwas o pangontra sa mga di kanais nais na nilalang hehe > Bala na walang laman. Balutin mo sa pulang tela. Keep it with you at all times. Takot daw jan ang mga wangsa. > Magpahid ng calamansi sa tiyan, para di daw maamoy ng mga wangsa si baby. > Maglagay ng walis tingting, bawang, asin o buntot ng pagi malapit sa mga bintana, pinto o kama mo. Yung mahabang walis tingting. > Maglagay ng mga tanim na may tinik tulad ng rose at cactus sa harap at likod ng bahay. > Magdala lagi ng mga anting anting pangbuntis. Yung nabibili sa labas ng simbahan na may mga herbs na nakabalot sa pulang tela tpos may picture at medalyon ng santo.

Magbasa pa

Me po .. last week lang dahil sa hirap akong matulog kadalasan tulog ko 3 to 4 am na .. nung last week sa kagustuhan kong makatulog agad nag patay ako ng ilaw .. sa sala kami natulog ng mga anak ko ung lip ko and kapatid ko sa kwarto mainit kc dun kaya sa sala kami 1:30 am nag c cp ako nung nay narinig ako na nag lalakad sa bubong namin hindi sya pusa kc ambigat ng hakbang .. mga 5 mins ko ng pinakiramdaman .. sakto naman na nagising kapatid ko kc umihi nakita nya ako nakaupo nagtanong sya kong bakit sabi ko may naglakakad sa bubong .. pinakingan nya cguro naka 2 steps sabi nya oo nga tapos lumabas sya para clipin pero d nya din matanaw kc mataas bubong namin ..pag pasok nya ng bahay nawala din ung naglakakad sa bubong ,. Wala din mawawala kong maniniwala tayo pero best na panlaban natin eh prayer 😊

Magbasa pa

yes naniniwala ako dyan kasi noon sa probinsya kami nakatira dalawa kasi bahay namin umuuwi pa ako sa bahay ng papa ko bago makauwi madadaan ang palayan o mga taniman mismo naririnig namin paranf bata sya na umiiyak sabi pag malayo ang iyak malapit pag malapit ang iyak malayo daw hinayaan namin tapos next day galing ulit kami bahay ng papa ko mga 9pm na kami umuwi palagi naman ako may baon na bawang sa bulsa kahit 3butil at asin nakaplastic sya sa bulsa ko lang yun pangotra daw umuwi kami nakita namin ang paniki tatlo sobrang laki nasa puno inaantay kami nag iingay ng nag iingay hanggang nagtakbuhan kami lahat kasama pinsan ng asawa ko sa takot tapos may time sumasakit tyan ko kahit ano oras ginagawa ng asawa ko nagsasaboy sya ng asin paikot sa bahay at bubong namin

Magbasa pa

To see is to believe nga po pero ako hindi pa man ako nkakakita eh naniniwala na lalo na ngayong buntis ako. Siguro andun na nga yung napapraning ka lang dahil syempre hindi biro yung bagay na yun lalo pa't may baby sa sinapupunan mo. Ginagawa ko naglalagay ako ng luya or bawang sa bulsa ko. Pwede din daw po ibalot sa red na tela at ikabit sa suot na damit gamit yung perdible. Hindi po nawawalan ng bawang tsaka asin sa may bintana namin. Maigi din daw po yung magsuot palagi ng black. Sabi ng matatanda pag nkaitim daw ang mga buntis hindi daw nila maamoy yung baby sa loob ng tiyan natin.

Magbasa pa

ako po kasi masasabi ko ang tiktik ay hindi siya yung sinasabi sa mga folk-fore stories natin It's a large bird na nag sa suck ng blood and siguro kaya attracted sila sa buntis kasi iba amoy ng katawan natin gawa ng dinadala nating baby. saka minsan yung iba ang nakikita lagi is napakalaking pakpak ng ibon pero some is napakalaking paniki at alam ko talaga attracted sila sa amoy ng buntis lang saka natural lang po yan sa mga mapupunong lugar karamihan malalaking paniki yon bali tao nalnag natakot sa sarili natin eh mommy ko din buntis noon nakakadinig din kami wala naman nangyayari

Magbasa pa
Post reply image