Hello. REALTALK π
Dahil nga nasabi mong hindi kayo kasal, at kasal siya sa isa, hindi ka Legal Spouse.
Mas malaki ang habol ng Legal na asawa kesa sayo.
Kahit pa nag hiwalay sila at kasal lang sila sa papel, may papel pa rin.
Buti sana kung annulled, which is mahal magpa-annulled, kaya malabo.
Kaya magisip-isip kang mabuti.
Hindi porket tanggap mo na may anak siya, tanggap mo na may asawa na hiniwalayan ng hindi legal, at kahit pa kayo na ang nagmamahalan ngayon.
Sa mata ng batas, may papel parin na nagpapatunay na may asawa ang partner mo.
At kung sakaling gamitin yung ng wife niya ang pagiging legal spouse niya, anong habol mo?
Ngayon pa lang, hanggat wala pa kayong anak mag-isip isip ka na ng mabuti, wag puro puso pairalin.
Wag mo nang dagdagan ng sakit sa ulo at sakit sa puso ang sarili mo.
Magbasa pa