Ask.

Ask ko lang po kung normal lang dinudugo pag buntis? Nag PT pa lang ako kasi walang OB, sa 25 pa ako pupunta. 4 times na ako nag PT at puro positive. Hindi ko po maalala kung kelan exact stop ng period ko pero February ata yon.

17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Try nyo po sa Chinese General Charity. free po manganak dun. 3am dapat nandun na po kayo ng mwf. kasi sasabihin din po nila sayo hindi yan normal. mag pa check up na po kayo.

Baka spotting ka momsh. Punta ka na agad ob kasi minsan sign yan na nakukunan ka na pala di mo pa alam. Pero mas maganda talaga sa ob agad para sure

punta na po sa pinakamalapit na hospital or clinic, pag may bleeding po need ng immediate action. Praying for you and your baby's safety.

hindi normal yun mamsh just like me. pa check ka na para ma trans vaginal ultrasound ka at ma check qng may sub chorionical hemorrhage ka.

6y ago

tsaka holy week kasi ngayon.. di ko alam kung saan may bukas.

hindi po normal lalo po na 2mos ka pa lang ata preggy? pacheck-up kana agad mamsh sa private to make sure na ok si baby mo

Hindi po normal pag dinudugo sabi ng OB ko once na dinugo ka sugod po agad sa hospital. To make sure na safe si baby :)

Hindi po normal ang dinudugo na buntis,punta kana po agad sa ob/ospital may chance po na makunan ka kapag di naagapan.

Sa 25 pa po ako pinapabalik e. Pumunta po ako nung lunes wala naman OB doon sa public hospital sa amin

6y ago

kahit saan po, na may practitioner.. need nyo po maasikaso at ma check agad, wag po ipawalang bahala spotting mommy

VIP Member

prior negative pt. confirmed buntis k na ba sis? kc ako nag pt din dati negative tapos sa tvs confirmed buntis ako.

6y ago

hello po... ilang months napo ung tyan nyo nong nag pt kayu na negative ang lumabas..kasi po ako bgo mg 2months ung tyan ko nag pt ako negative din po pero pa TVS po ako sa 26..salamat po..

VIP Member

Ndi Po normal ang pag dudugo baka painumin kayu ng pampakapit. Sana safe ang baby nyu🙏