SSS Benefits

Ask ko lang mga mommies. Para dun sa mga co mommies ko na employed, about SSS Maternity benefits po?? Nabasa ko kase, i aadvance siya dapat ng company? Tama po ba? Paano po ba talaga ang process nun? Nasa REMINDERS last number po kase nakalagay. Thanks in advance mommies.

SSS Benefits
23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sakin po since hr po ako, nag ayos n ko ng mga need ko before ako manganak, Completo sa sss mat 1 tapos ung mat 2 ko na fill up ko tapos philhealth Inayos ko n nung kabuwanan ko same sa mga nag notify at nag sabi ng edd nila sa hr, tapos d n ko nakapag maternity leave kasi nag leave ako 1day for check up lang tapos pa pasok p sana ako kaso nanganak n ko dahil ayos ko n lahat inasikaso nlng ng mga Co hr ko ung sss at inadvance nila lahat ng maclaclaim ko, if Mali nmn ang computation if ever na na reimburse na kay sss, ikakaltas nlng un sa employees... Advance po tlga sya, :) need lang notify s Si hr nung na buntis ka at kelan k manganeak. My ibang hr lang ang tamad mag asikaso Minsan, kaya ako ung mga nag notify may sariling folder para isang hugutan nlng pra di hassle...

Magbasa pa

FTM and 36weeks pregnant here. Hello Momsh, regarding sa SSS maternity benefits may ginawa ako sa company namin. Kasi nabalitaan ko na ung ibang nagbuntis dun ang tagal bago irelease ung Mat Ben nila. So, ang ginawa ko. Hinanap ko ung Article na nagsasabi na dapat ibigay nila ng full ung MatBen and sinend ko sa Compensation and Benefits namin. Tapos nung una parang sabi nila sakin partial lang daw ibbigay nila. Sabi ko, nakalagay sa Article ganito dapat full e. HAHAHAHA. So yun, sa madaling salita ni-release nila ng full ung sakin kahapon lang. 😎 By the way Momsh, tanung mo din sa comp&ben nyo kung may nakukuha kang salary differential. Hingin mo yung computation ng matben mo sa kanila (including salary differential kung meron).

Magbasa pa
Post reply image
5y ago

Oo nga. Sige mommy thank you sa mga ideas. Bukas kase punta kong office and mag ffile na din ako maternity leave para by monday maibalik ko na nang sss yung form, 34weeks na din naman kase ko.

VIP Member

ang general rule is that the company MUST advance the maternity benefit. sa bagong Maternity Law, sinasabi ng batas na dapat bayaran ng buo ang daily rate ng empleyado. for example ang daily salary mo is P800 per day. sabihin nang ang benefit mo sa SSS ay P450/ day, yung tinatawag na salary differential which is P350 is shouldered by the company. yung P450 x 105 days should be advanced upon going on maternity leave. yun ang rule. tapos yung salary differential which is P350 x 105 is governed by company rules. pwedeng i-require ng company na magsubmit ka muna ng mat 2 bago nila irelease sayo yun to ensure namarereinburse nila sa sss yung unang check na inadvance sayo.

Magbasa pa
5y ago

April 18 mamsh.

di po ata lahat ng companies binibigay ng full agad. yung iba like samen, partial or 50-50. 50% after 30days pagkafile ng mat leave and the remaining 50% makukuha either after manganak or pagbalik sa work kung di ako nagkakamali. sana nga in-full nalang lahat nakukuha para di hassle sateng mga mommies na bagong panganak lang diba?

Magbasa pa
5y ago

Lucky kami kase 2 months before ng due date ngbibigay na ung company namin..

I believe depende sa company rules nyo. Kasi may mga requirements ang company for that, if same ng requirements with sss or may dinadagdag sila. And sa amount naman ng sss is depende naman sa sss contri and basic pay i think, tsaka attendance, and if may dagdag ang company sa cheque na matatanggap mo

Magbasa pa
5y ago

Sana po. Ask mo HR nyo heheh :)

VIP Member

Saka Mam full maternity benefits means your daily rate x 105 days. Pero tandaan na ang nirerequire lang ng batas na iadvance ng employer ay ang part na shouldered ng sss. yung salary differential which is shouldered by the company is governed by company rules.

VIP Member

Depende sa company momsh sa company ko kc before mag 8mons or bgo mag leave binibigay na nila nang buo yun sa ibang company nmn before mag leave ang binibigay sa knila ay kalahati lang tapos after mag psa nang Mat2 ska lang mkkuha yung another klahati pa..

5y ago

Keri na din kahit half hehe importante may.pang dagdag gastos lang.

Kung employed ka sis,sa hr ka magpasa ng mga requirements Mat1 at Mat2 kasama ultrasound.tas sila na bahala mag ayos nyan ang gagawin mu nlang ipaapproved yung leave pag magstart kna ng maternity ,1 month before iaadvance na ni employer yung bayad..

Submit your Mat 1 with complete attachment to you HR department. Employer should advance your benefit. Kung hindi mo alam kelan nila ibibigay, ask them. Samin kasi 1 minth before EDD ang release ng Mat benefit

Yes po. Basta completed na yung requirements at lahat original para iwas pending or decline, iaadvance yan ng company within 30 days. May ibang company na within 2 weeks lang tulad po nung sakin.

5y ago

Oo nga pala. Thank you mommy 😊