Gender Disappointment

Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u

773 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hay naku. Bakit ba may mga ganyang asawa. Nung nakaraan may nabasa ako dto yung nanay mismo ang ayaw sa babae na anak. Alam mo sis dapat ipaintindi mo sa asawa mo na masakit para sayo yung sinasabi nya imagine makikipag palit pa ng anak maryosep god ako bang utak meron to 🤦🏻 pasalamat nalang kayo nabigyan kayo ng anak marami dyan gusto magkaron di magkaron. Pasalamat nalang kayo healthy si baby girl. Yan binigay sainyo tanggapin nyo. Naghahanap pa kayo ng kung ano ano. Next time na gagawa kayo ng baby magbase dun sa chinese calendar kamo para sure gender ng baby nyo.

Magbasa pa