Gender Disappointment

Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u

773 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kausapin mo si hubby mo momsh, kasi baka magtampo pa yung baby nyo sainyo.. Mahirap na.. baka ano pa mangyari.. ganun ang sabi sabi ng matatanda eh ksi nararamdaman daw yan ni baby.. Be happy nalang and pagpray na healthy si baby.. It's not about the gender naman eh. Boy or Girl pareho padin yang blessing na dapat buong puso nating tinatanggap ❤️ Si Hubby ko din gusto baby boy pero baby girl ang binigay samin, tignan mo si hubby ko paglabas ni baby Sya daw ang kamukha ng prinsesa nya 😅😅 Matatanggap din yan ni hubby mo momsh lalo na paglabas ni baby girl 🥰

Magbasa pa