Gender Disappointment

Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u

773 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako gsto ko talaga girl same with my partner. girl gsto nya ksi my anak sya sa ex nia 5yrs old Boy, pero nung nag pa ultrasound ako last week sabi 80% boy daw..although mejo hoping kami na girl, pati fam nia esp ung ate nia sa ibang bansa bumili ng mga dress 😂 . okey n okey padin samin lahat. basta lumabas si Baby in good health and everything will be normal. enough n samin un.. nag expect pero never pong nadisappoint ☺️ FTM din kaya whatever gender n ibigay. still, exicted to see my little one 😄 ps. mas excited padin yung daddy kesa skin ☺️☺️ ❣️

Magbasa pa