Gender Disappointment

Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u

773 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nung di pa namin alam gender ni baby tinatanong ko asawa ko ano sa tinggin mo gender ni baby lagi nya sinasabi sakin kahit ano, basta healthy sya. Then ayun gender reveal namin gusto nya pala girl but in turn outs na Baby Boy. Unang sabi din kasi ng ob namin malaki possibilities ni Baby na Girl sya. Pero after nun nalaman ng asawa ko na boy wala lang sa kanya kasi happy sya nag bibiro na nga sya na may kainuman na sya or tuturuan nya mag basketball eh. 🤗 Ang sakit lang talaga isipin na may ibang mga asawa pala talaga na ganyan mindset.

Magbasa pa