Gender Disappointment

Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u

773 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Maybe for now mommy ganyan si hubby kasi nag expect po siya na posibleng bb boy po ganyan naman lagi yung gusto nila pag first born lalake pero siympre dadating din po yung araw na maiisip ni hubby yung sinabi niya maybe give him time napo muna saknya kahit nakakaasar marinig mula saknya na nakikipag palit nalang siya. Mahirap po kasi yalaga mag expect ng gender kaya kapag ganyan malaking dissapointment nararamdaman natin. Basta okay naman si baby healthy siy paglabas niya magbabago dun pananaw ni hubby. Ang sarap kaya ng may bata s bahay makikita niya din yun. Nainggit lang siguro. 😊

Magbasa pa