Gender Disappointment

Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u

773 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Grabe naman yung asawa mo. Paano kung binigyan nga kayo ng boy tapos sakitin naman at pag laki kagaya ng ugali ng asawa mo na hindi marunong makaappreciate. Alam mo mas lalo sya hindi bibigyan ni Lord ng lalaking anak kung ganyan ang ugali nya. Ang importante sa lahat healthy ang bata regardless of gender. My God dugo nya yan, sperm nya yan sa kanya nanggaling yan tapos di nya matanggap. Kawawa naman si baby nyo di nya deserve magkaroon ng tatay na ganyan very immature guy. Uwi nalang sya sa nanay nya kung simpleng pagtanggap lang ng gender ng anak nya hindi nya kaya 😞 nakakagigil nakakagalit.

Magbasa pa