βœ•

773 Replies

VIP Member

Actually, meron talaga ganyan. Hindi naman parepareho ang nararamdaman ng tao so it's ok to feel that way, mommy. Siguro eventually matatanggap nyo din ang gender ng baby, just let it sink in. To the community, sana wag po maging harsh sa pag comment. The mommy is having frustrations, lalo lang sya na-sstress sa mga negative comments nyo. Let's help each other out here, let's help other mommies to let them know that everything will be fine. Para less stress sa environment. ❀

Alam mo po ako 3 boys.. muna bago ako mag ka baby girl ngayon. Tlagang pinag pray ko sya yung halos lahat ng nakaka kita sakin lage sina sabi uy baby girl sana pero di muna ako umasa kase nga baka mangyari samen ito gusto din ng hubby ko kase girl na pati ng mga anak pero sinabi ko skanila ano man ibigay ni lord samen boy or girl dapat nmen tangapin yun sana ganun din kayo ni hubby mo iisa palang nman yan saya pag nakita na niya yan mawawala narin ang lungkot nyo godbless😊

C hubby ko ... Gus2ng gus2 niya ng lalaki ..bukang bibig niya talaga nung dipa kami nagpa ultrasound ... Lalaki daw lalaki ..pag lalaki yan ganyan ganyan ganya dami niyang plano nung nalaman namin na girl parang nalungkot siya .. piro kinausap usap ko siya about sa babae ..naging okay namn na lahat ... Love na love nga daw niya lagi niyang hinimas himas tyan ko lagi niyang kinakausap ..hehehhe .... Malapit na din lumabas c bb girl namin hehe ... Kausap usapin mo lang c hubby mo sis ..

Dati nung nagbubuntis pa ako sa first baby namin ni hubby napag uusapan namen baby boy gusto niya. But nung first ultrasound ko 6 months tummy ko Baby Girl ang gender. Nakita ko sa mukha ng hubby ko mejo naSad siya pero ang sinabe niya nalang saken nun "Sundan nalang naten malay mo Baby Boy na" Hahaha, natawa nalang ako kase kahit nalungkot siya onti na girl ang magiging baby namen, nagbiro nalang sya. And now, sobrang happy niya na healthy baby namin at sobrang cute πŸ˜ŠπŸ˜‚

in my case po, gusto din ng partner ko na boy. para matchy matchy daw sila ng pormahan. puro jordan 🀣 pero eto binigay samin is baby girl, sobrang happy niya pa din kasi may prinsesa daw siya. may mas maganda na daw sakin πŸ˜…πŸ˜… loko hahaha. wag ka po madisappoint sa naging gender ng baby niyo. mas ma disappoint ka po sa husband mo kasi dapat tanggap niya kahit ano pa gender ng baby niyo. It's a God's blessing. And may dahilan kung bakit girl ang binigay sainyo. God bless po!

Parang mas mahal mo ang asawa mo kesa sa magiging anak mo. Sorry ha. Nagkaanak kalang ba para i please ang asawa mo? That term you used na malungkot ka dahil sa gender ng baby mo implies na pti ikaw ay hindi masaya. Ano yun? Trophy lang si baby mo para maimpress sayo asawa mo? Do not ask for advice, dapat ikaw mismo masaya whatever the gender is ang mahalaga is healthy ang baby. Hindi kaman lang ba na offend sa asawa mo? Bakit parang kasalanan pa ng baby mo na babae siya.

VIP Member

Ngayon lang yan sis, pagnakita niya din si baby magbabago din siguro si hubby mo. LIP ko din siya lang magkakaroon ng panganay na babae sa mga kapatid kase lahat talaga lalaki ang panganay kami lang naiba πŸ˜… pero girl talaga gusto niya, ako pa nga may gusto ng boy. Girl naman daw para maiba naman kase puro na daw lalaki sa kanila πŸ˜…. Pero sabi niya kahit ano okay lang, si hubby mo siguro nag expect lang siya masyado. Pero pag nakita niya si baby for sure magbabago din yan.

Paintindi mo lang sa hubby mo na 'thats okay'. Di niyo naman mababago gender ng baby niyo. Dapat maging happy nalang kayo ng healthy si baby pag labas. Its a blessing. Boy or girl man yan. Importante, healthy. Kami nga ng hubby ko ideal talaga namin is boy first baby namin pero di rin namin hinihiling na lalake kasi we will be just happy basta healthy si baby paglabas, kahit ano pa gender niya. We will still be happy and blessed. 😊 May purpose si Lord for everything po.

Napaka OA naman ng asawa mo sis..kameng dalawa ng hubby ko gustong gusto namen ng baby boy to the point na kini-claim na namen na boy sya tapos nag iisip na kame ng name na pang boy pati mga damit na inaadd to cart ko sa shoppee pang boy,pero nung na laman namen na girl sya di naman kame nakaramdam ng dissapointment may na isip na nga si hubby na name ni baby sya na ang nag bigay ng pangalan.kung ano ang laan ng diyos ay tangapin naten di lahat binibiyayaan ng anak.

Sarap nyo kotongan mag asawa,magpasalamat kayo sa panginoon at binigyan kayo ng anak yung iba nga gusto magka anak di magka anak eh,yung iba may sakit ang mga anak pag labas pa lang..kayo babae anak nyo dissapointed kayo mag asawa,so ano itapon nyo na lang kasi babae anak nyo?! Lumabas ng maayos at healthy ang baby nyo yun ang hilingin nyo sa panginoon hindi yung kung anong kasarian ang gusto nyo! Naiirita talaga ako sa mga magulang na ganyan ang ugali tsk

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles