Gender Disappointment
Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u

Hi diba po dapat kahit anong maging gender ni baby dapat po maging happy siya kasi anak niya yon sa kanya nagaling yon... Ang mahalaga is safe kayo ni baby at malusog ang baby kahit pa babae siya alam mo kami ng hubby ko siya like niya boy ako girl pero lagi niya sinasabi sakin boy man or girl basta malusog si baby lumabas walang problema... Nag pa uts ako 60 % its a girl tiningnan ko muka niya wala ako nakitang lungkot happy siya kahit girl si baby masayang masaya siya
Magbasa paLalaki man o babae most importantly kung sino ang lilingon sainyo kapag matanda na kayo, mag aalaga, magmamahal at din kayo pababayaan na magulang kapag wala na kayong lakas, and that’s for sure wla sa pagiging babae o lalaki ng anak yun, dmo masisigurado kaya kung ano man ang Gender ng anak nio tanggapin nio parin, at the end of the day hindi mo naman masasabi sa gender lang ng anak kung sino ang Mapagmahal pag kayo’y matanda na.
Magbasa paHahaha. Sabihin mo sa kanya sperm nag a-indentify ng gender ni baby. Kasi X na yung chromosomes natin so sperm nya bahala kung X-X(girl) ang ipapartner nya or X-Y(boy). Kaloka sya. Charot lang mommy. Pero kapag nakita na nya si baby panigurado namang mamahalin nya din. Basta just give him time. Dapat may quality time din sila ni baby para magkaroon sila attachments sa isa't isa. Praying for your safe delivery. Wala naman kasi tayong control sa gender ni baby eh.
Magbasa paMommy alam mo sa situation ko gusto ko tlaga ng baby boy kasi puro kme babae at fam ko gusto boy. Girl ang bnigay sakin pero happy ako kasi mddamitan ko sya ng dress. Hndi naging big deal sakin. Ang hubby ko gusto nya tlaga girl pero sbi nya it doesnt matter if ever boy anak namin kasi kahit anong gender eh anak pa rn nya yun. Nkakalungkot naman reaction ng asawa mo mommy, wag naman sna ganun blessings kasi yan from God so kahit anong gender dapat tanggap nya.
Magbasa paganyan din kami ni lip nung nalaman namin gender ni baby , gusto sana namin panganay boy pero since it's a girl thankful parin kasi at least biniyayaan parin ni lord ,maraming couple gusto magka anak pero di nabiyayaan eh ikaw mamimili ka pa ba ?, tell your husband to be thankful sis instead of complaining , mahal na mahal ni lip ko yung baby girl namin ngayon, mabuti nalang daw at girl kasi sobrang lambing sa kanya napaka daddy's girl ❤
Magbasa paganyan din husband ko sa first baby nmn gusto nya boy. so disappointed sya nun nlman sa ultra na girl... pero after lumabas ng baby nmn super hands on sya lalo na nun nagka problem sa pag breath un baby nmn todo bantay tlg sya... and ngayon feeling ko un first baby ko sng favorite nya among my 2 boys... kya ma over come nya din yn mommy once na lumabas na c baby and pinaka importante na ipaliwanag mo sknya un mgng healthy c baby
Magbasa paGrabe naman si hubby mo. Ako naman momsh gusto ko sana girl hehe pero kahit ano as long as healthy tanggap ko at ready ako. Si hubby naman tinatanong ko kung anong gender mas prefer nya sa first born namin, di nya naman sinasagot kung boy o girl. Sabi nya lang, basta healthy kahit ano pa gender ni baby ok na ok sa kanya. Siguro isip ka na lang ng name ni baby girl? Para maexcite ka and madivert attention mo. Pag andyan na yan baka ok na sa asawa mo☺️
Magbasa paSame din po sa disappointment na nafeel ng husband ko even me. This is my 2nd pregnancy and our eldest is a boy, and now were having a baby boy again. Gusto naman ni husband ko ng baby girl sana. 😊 Twice pako nagpa ultrasound kasi hoping kami na sana this time girl na, pero yun po binigay ni God. Ang importante po healthy si baby. And im sure pag nanganak na po kayo at nakita ni hubby mo si baby for sure matutuwa siya. Blessing po yan.
Magbasa paMay ganun tlaga peru paglumabas na yan mas maiisip nya na kahit anung gender pa yan matatanggap nya ibibigay din ni lord ung gusto nya na gender like me gustong gusto namin ni hubby ma girl peru boy ulit boy na ksi panganay ko kaya mas gusto namin girl tawanan nalang kami nung nalaman namin na boy ulit basta may baby na kami ulit gawa nalang kami ulit be happy wag ka pa stress sa pagbubuntis ganun tlaga may purpose si papaGod jan 😇😇
Magbasa paDapat mging thankfull sya dhil baby girl dhil qng d nya alam ang baby girl ay sa side ng daddy lagi cla ang close usually qng magkaron kau ng lalaki sau yan mgiging close sbhin mo basa basa din sya ndi lng gawa ng gawa at ndi kc sya marunong sa posisyon qng pano gawin ang baby boy mnsan basa basa din po or manood sa utube meron po kau pdeng sundin na posisyon pra sa gsto nyong gender at d nmn masama qng susundin malay nyo mabuo nyo gsto nyo👍🏻😊
Magbasa pa

