Di natutulog pag umaga

Mga momsh patulong naman paano nyo napapatulog ang baby nyo ng DAY nilalabanan nya talaga ang antok nya kahit anong hele ko. Pag gabi kasi putol2 ang tulog nya every hour sya nagigising. Tulog na sya ng 5:30pm then gising ng 7pm pagkatapos nun every hour na sya gising hanggang 5am. #firsttimemom

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Walang certain routine baby namin iba iba yung time niya ng pagligo and pag nap sa umaga and iba iba din minsan yung start ng tulog namin sa gabi (almost 3 months old na si LO) pero ang pinaka strict kami is yung pagdidifferentiate ng day and night for her. We make sure na active yung mornings for her and lagi naka-on yung lights or windows namin para maka pasok yung natural light sa bahay. Kahit maingay kami mag usap ni hubby or maingay sa labas at nagpapatugtog kami, okay lang. Pero pag oras na ng tulugan, we make sure naman na calm na yung atmosphere at may isang maliit lang na lamp na naka on. The rest ng ilaw namin sa bahay naka-off na. Pabulong nalang din kami mag usap ni hubby and pag gusto namin manood ng videos or movies, nag eearphones nalang kami. Pag need palitan si baby ng diaper sa madaling araw, di parin namin binubuksan yung ilaw. Nilalapit lang namin ng konti yung ilaw na maliit samin, enough para makita namin si baby tapos matutulog na ulit. Ever since naging consistent kami sa ganyan, kahit anong sched ni baby sa umaga, nakakatulog parin siya agad and mas tuloy tuloy pag dating ng gabi. Di rin kami nagkaproblem nung nagbakasyon kami sa bahay ng relative namin at kasama pa namin si baby sa kwarto. Medyo kabado pa ako nun kasi baka maistorbo ni baby yung iba pag nagising siya ng magising siya ng madaling araw. Pero dahil pinakiusapan namin sila na magpatay ng ilaw at mag dim lights pag tulugan na, also wala nang maingay, di nagising si baby na umiiyak. Gumagalaw galaw lang siya pag tulog then dream feeding nalang yun diretso tulog na siya ulit. Twice lang din siya nagising for dream feeding. ☺️

Magbasa pa

Baby q gnyang month sinanay q na sa routine.. Pag morning nasa baba kmi dun sa maliwanag at mdjo maingay as in sa sala, dq xa pinapatulog sa kwarto na tahimik sa maghapon.. Then twing 8pm nyan aakyat na kmi sa kwrto nakalinis n ng katawan yan and papatulugin q na sinanay q xa na warm lng ung lights then naka white noise xa.. Ok naman naman sleep nya magdamag, ggising lng xa dede.. Hanggng ngayong mag 6months n xa nasanay n xa na ganun routine pag alam nya na sa kwarto n kmi mag sleep n yan lalo pag pinatay q na ilaw.. Alam nya n gabi na kc nasanay xa n sa gabi madilim tpus tahimik kc nasa kwrto. Mahirap sa una kc dpt consistent ka sa ginagwa mo eh xmpre mdjo mag tantrums pa yan patulugin lalabanan ung antok pero labanan mo rin hehe, gabi2 gawin mo un sanayin mo xa, masasanay rin yan.. Bsta dim lights mo lng xa.. Tiyagaan lng tlga para masanay cla.

Magbasa pa

Share ko lang po ginawa ko sa baby ko. Tuwing 6pm half bath na sya ng warm water then dim lights. Pinapatulog ko na sya hanggat maaari. Kahit magising sya every hour ok lang. Start ng tuloy tuloy na tulog nya is 9pm talaga. Swaddle nagpapakalma sa kanya. Ilang days ko rin ginawa to unti unti hindi na putol putol sleep nya sa gabi. tapos isang trick na natutunan ko, nilalagyan ko sya sa tabi ng damit ko na hinubad na or ginamit ko na kapag ilalapag ko na sya. Madalas kasi hinahanap nila amoy natin. And then lastly kapag gumalaw galaw sya in the middle of sleep, wag mo muna syang gagalawin or bubuhatin. Hayaan mo syang makatulog ulit. Saka mo lang buhatin kapag talagang umiyak na ng tuloy tuloy. Another problem naman yun na baka gutom. Every 2-3 hrs ang feeding time ni baby. After mabusog, bagsak na ulit.

Magbasa pa
2y ago

Lastly pala mommy. Sa umaga ang pinakahuling tulog nya dapat end ng 5:30pm. After that laru laruin mo muna. Then 6pm, linis ng katawan.

gawa ka routine niya mommy para masanay siya, pag nagising siya ng 5am okay lang yan tapos laruin mo siya pagdating ng 7am or 8am patulogin mo na siya tapos pag nagising ulit laro tulog laro tulog ganun,pagka gabi dim light tapos huwag mo na laruin patulugin mo na ng patulugin, try mo siya iduyan miii tapos white noise. effective kasi ito kay baby ko try mo na lang din.

Magbasa pa

Mas maganda mii paliguan mo muna siya nga mga 7am warm water po, Para mas masarap ang tulog niya. Ganun po kase ginagawa ko sa anak ko, once na hindi niya makuha tulog niya sa umaga. Sa gabi naman kase mii. every 2 hrs or 3 hrs before siya magising. Sa madaling araw 2am deretso na siyang gising hanggang umaga.

Magbasa pa

same tayo ganyan din baby ko haha pgcng gcng every hour gang mag6am na..pero ngaun morning kNockdown ahaha gngcng ko pag paliguan ko na..hndi pa siya mka adjust sa sleep pattern nia..mag 2mos na baby ko sa nov7. kahit anung hele hirap patulugin. hanggang sa ako nalang nakakatulog🤣🤭🤭

2y ago

ganyang ganyan dn aq sis. hahaa d ka mkakatulog ng ayos..puyatan to d max😅😅😅😂try mo sa duyan sis..para d lagi karga karga..ako ksi iniiwanan q minsan sa crib pag nggcng tapuk tpukin lang sya tulog na ulit😅😅

baka po maingay yung paligid nyo mi at madalas nagigising nyo si baby unintentionally, try nyo po sa kanya yung quiet environment dapat at black out curtains.. at try po yung soothing music. dapat by 2mons old madifferentiate na ang night at day kasi para may routine na sila.

Wag mong hayaan na mahaba ang gising nya, kasi mas mahirap syang patulugin kapag ganun. Nagsearch ako sa google kung ilang hrs lang ang wake time ni baby. Depende kung ilang months na.

Try natin i-adjust sleep time ni LO mommy. Ito po yung article na pwede natin gamitin as guide - https://ph.theasianparent.com/caring-for-newborn-baby-how-long-should-your-baby-sleep

routine is the key sis pero 2months palang baby mo, tiis ka muna hanggang makakita sya pra aware na sya sa day and night.