About cheating

Anyone else here experience being cheated on, while pregnant? Pano nyo na handle, di ko na alam gagawin ko🥲

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din sitwasyon ko ngayon halos kapag ako nalang mag isa sa kwarto nalulungkot ako, Bakit ginagawa sakin ang ganitong bagay kung kelan mag dadalawa na anak nya sakin ganun parin ang gawain nya mas lumala lang ngayon talaga halos alternate na ang uwian nya kapag aalis sya hindi kona nalalaman kung san sya tutungo tapos kinabukasan na uuwe ng anong oras, Hindi na kame nag kikibuan parang anino nalang ang isat isa pag mag dadaanan. Natitiis nya ganyanin ako habang buntis, Iniisip ko baka sa oras na manganganak na ako iba pa ang tutulong saakin madala lang ako sa paanakan. Tinatatagan ko nalang din ang loob ko, kaya lahat ng pinaparanas sakin sa buong pag bubuntis kong ito hinding hindi ko makakalmutan ang saklap ng mga ginagawa saakin. Kahit pa hindi na sya mag paliwag sa kilos at asta palang nya ramdam ko ng may mali sa ginagawa nya. kapag umaalis pa papasok school or work halos dala-dalawang helmet pa ang dinadala napaka husay. Hindi natin deserve ang mga ganitong lalaki mga mi kaya ipag pasa-dyos nalang naten ang lahat ng mga idinudulot nilang kapabayaan para saatin malalampasan din natin ang lahat ng ito.😭

Magbasa pa

Ewan koba kasi, alam naman nilang buntis yung tao gagawa pa sila ng ganyang kalokohan. May iba kasing lalaki na ang selfish eh, saliring kaligayahan lang iniisip. Basta makagawa ng kung ano ano na masaya sila, na masasatisfy sila, wala na silang pake sa partner nila kung gaano ka grabe impact nun. Tapos pag nahuli sila pa galit, magmamalaki, magsisinungaling. Dapat kasi kung ayaw na, iwanan nalang. Tapos ganyan pa yung sitwasyon. Alam ng buntis yung tao, gagawa ng kalokohan. Ang hirap kaya nito. Kahit anong hingi ng advice, hirap kaya maloko habang buntis ka. Iba yung sama ng loob na mararamdaman ko kasi dimo makakalimutan yan eh, kahit sabihin natin na kung sakali lang ahh, na mag kaayos kayo ng partner mo tapos nagbabago na. Nandun parin yung pagdududa na ay bat sya ganto, baka may ginagawa nanaman to. Alam mo yun?? Kahit anong ayos nyo, basta may past issue kayong ganto tapos buntis kapa. Hinding hindi ka talaga makaka move on. Pakatatag ka mhie. Napagdaanan ko na to. To the point na naglalaslas nako para lang maibsan yung nararamdaman ko (dont do it). Pakatatag ka mhie.

Magbasa pa

ako mamsh. pero kinaya ko di ako nagpatalo sa lungkot. ngayon hinahayaan ko nalang sya sa gusto nya diko na sya pinapakialaman pero araw araw ko pinapamuka sakanya yung ginawa nya. hinding hindi ko makakalimutan yun. dalawang beses nya na ginawa sakin yun ang matindi pa parehas buntis ako dat time. una yung buntis ako sa panganay ko at bagong panganak ako. tas ngayon sa pangalawa ganun ulit naulit lang. ipasa diyos mo nalang yung partner mo mamsh. hindi naman ikaw ang nawalan kundi sya. isipin mo nalang kalagayan nyo ni baby wag ka papadaig sa stress. pray for you mamsh godbless pray lang araw araw kaya natin to.

Magbasa pa

isipin mo si baby tanungin mo sarili mo kung kaya PABa mag stay Kasi Ako danas ko Yan isipin mo deserve mo ba masaktan Kasi Ng cheater kahit nung Gawin nya pag babago Hindi nabbagonyun kaya nya ginagawa Yun Kasi may kulang na di nya mahanap Sau kung kaya mo pa mag stay mag stay ka pero kung Hindi kumbisihin mo sarili mo na may mas better na tao para Sau Minsan need mo din Ng space para malaman mo na dapat pa ba mag stay o Hindi na

Magbasa pa

kung financially dependendent ka sa husband mo walang choice but mag iistay ka at titiisin na lng po ang ganyang pag trato nya sa iyo at sa baby ninyo... pero kung magiging financially independent ka at kayang tumayo sa sariling paa..mas maganda pong hiwalayan nyo na habang maaga pa...kasi ang lalaki kusang nag babago yan, magiging responsable at huwaran para sa asawa at magiging pamilya.

Magbasa pa

Leave mommy. Umalis ka na at iwan mo na yan. You’ll see yourself in a better place pag inalis mo na sya sa buhay mo. He will later realize what he have taken for granted for the longest time. Ibigay mo gusto nya ng makita nya kung mas masaya ba talaga sa ganung klaseng buhay na puro pambababae. He will never find true peace happiness and satisfaction. He will always feel lacking.

Magbasa pa

Inisip ko yung baby ko. Hindi deserve ng baby ko na niloloko siya ng tatay nya, lalo pa’t nasa tyan pa lang. Kapag buntis ka at nagloko partner mo, tandaan mo hindi lang ikaw ang niloloko. Masakit, lalo na para sa anak mo. Kung ako sayo now pa lang protektahan mo na baby mo.

1y ago

tatagan ko nalang po loob ko. salamat po🥹

Hahaha for me? Mas inisip ko ang baby ko. Bakit ako magpapakabaliw sa lalaking wala naman kwenta? Sobrang swerte ko na sa baby ko kasi siya yung nag give way sa buhay ko. Siya yung inspirasyon ko sa lahat.

1y ago

hindi ka para magstay kung habang buntis ka e niloko ka. hindi lang ikaw yung niloko, mismo pati yung baby ☺️

dati ganyan dn ako. pero tinatagan ko ang sarili ko para sa anak ko ,at alam kong malalagpasan ko dn 🥹pray lang mie