About cheating

Anyone else here experience being cheated on, while pregnant? Pano nyo na handle, di ko na alam gagawin ko🥲

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ewan koba kasi, alam naman nilang buntis yung tao gagawa pa sila ng ganyang kalokohan. May iba kasing lalaki na ang selfish eh, saliring kaligayahan lang iniisip. Basta makagawa ng kung ano ano na masaya sila, na masasatisfy sila, wala na silang pake sa partner nila kung gaano ka grabe impact nun. Tapos pag nahuli sila pa galit, magmamalaki, magsisinungaling. Dapat kasi kung ayaw na, iwanan nalang. Tapos ganyan pa yung sitwasyon. Alam ng buntis yung tao, gagawa ng kalokohan. Ang hirap kaya nito. Kahit anong hingi ng advice, hirap kaya maloko habang buntis ka. Iba yung sama ng loob na mararamdaman ko kasi dimo makakalimutan yan eh, kahit sabihin natin na kung sakali lang ahh, na mag kaayos kayo ng partner mo tapos nagbabago na. Nandun parin yung pagdududa na ay bat sya ganto, baka may ginagawa nanaman to. Alam mo yun?? Kahit anong ayos nyo, basta may past issue kayong ganto tapos buntis kapa. Hinding hindi ka talaga makaka move on. Pakatatag ka mhie. Napagdaanan ko na to. To the point na naglalaslas nako para lang maibsan yung nararamdaman ko (dont do it). Pakatatag ka mhie.

Magbasa pa