Anong recipe ang mas magaling na lutuin ni yaya kumpara sa yo? Grabe, tinuruan kong malutong ng lasagna yaya ko, tapos ngayon mas masarap na ang version niya kaysa sa akin! :D

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Tinuruan naming mag lechong kawali yung kasama namin. Sabi namin na dapat pakuluan with bawang, sibuyas, paminta at asin para mag lasang bagnat tapos deep fry pagka laga. Nanood naman sya kung paano gawin. Nung minsan, inilabas nya yung turbo tas tinurbo nya yung liempo, aba mas malutong pa kaysa doon sa deep fried na ginagawa ko at healthy pa daw kase hindi nga naman babad sa mantika. Hahaha

Magbasa pa

One time, tinuruan kong magluto ng kare kare yung kasama namin sa bahay. Para madali ang buhay, gumagamit na lang ako ng mama sita's mix. Tapos one time, nag sabi sya nag mag kare kare daw sya. Nung pagka luto napaka ganda ng presentation at crispy yung liempo na gamit nya. Tapos hindi sya gumamit ng mix, pure peanut butter, atsuete at toasted bigas yung ginamit nya!

Magbasa pa

Yung boss ko dati kinekwento nya na tinuruan nyang magluto ng sisig yung helper nila na Ilocana. Kapampangan sya kaya no doubt na masarap talaga syang magluto ng sisig. Nung nawili daw yung helper nya mag luto ng sisig nagulat daw silang lahat kase napaka sarap na nung pagkaka luto ng helper nya. Nag dala pa sya sa office para ipa-tikim sa amin!

Magbasa pa