My Dreams for Baby

Ano'ng pangarap mo for your baby or babies?

My Dreams for Baby
94 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Makapagtapos sila ng pag aaral, and sana masecure ko ang future nila bago ako mawala kasi ako ulila sa ina, mahirap ang makitira sa mga kamag anak. Kahit mabait ka, kahit masipag ka alam mong iba parin ang pakikitungo sayo, so sad na ang tatay ko hindi responsable kaya nagpasa pasahan ang mga kamag anak ko saamin ng kuya ko, ok sa side ng nanay ko pero nung napunta kami sa side ng tatay ko ginawa kaming alila, taga igib kahit may gripo, taga pakain ng baboy na mas malalaki pa saamin :( kaya pinagdarasal ko na makasama ko pa sila hanggang kaya na nilang tumayo sa mga sarili nila

Magbasa pa

Pangarap ko lang sa mga anak ko makatapos sila sa pag-aaral, maging mabuting tao, may takot sa Diyos, maging successful sa buhay na tatahakin nila sa kanilang paglaki at mag tulungan silang tatlong magkakapatid pag dating ng panahon. 'Wag sana magkaron ng inggit, selos sa bawat isa. ❤️

lumaking masiyahin, malusog at may tiwala kay naynay at kay taytay niya more than sa ibang tao. at wag sana manahin ang pagiging nega ng naynay niya para magkaron sya ng tiwala sa sa panginoon at sa sarili niya na kaya niyang maabot ang pangarap niya.

VIP Member

basta lumaki siyang healthy at masiyahin. makatapos ng pag aaral. makapagtayo ng sariling negosyo at ng sariling pamilya na kompleto. isang bagay na di ko nabigay sa kanya. marunong rumespeto sa ibang tao at mapagmahal.

VIP Member

Sana lumaki siyang may takot sa diyos and full of respect lalo samin ng papa niya and maging healthy siya always, makapag tapos ng pag aaral at mag karon ng maayos na trabaho at masayang pamilya💖✨

makatapos ng pag aaral,maging masaya at matagumpay sa buhay. Wag sana mahuhumaling sa lalake ng maaga. hay hahahahahaha hirap pa nmn sa mga kabataan ngayon, may tiwala ako sa anak ko sa iba wala hehehehe.

VIP Member

Lumaki Siyang May takot sa Diyos,laging healthy,mabait magalang, SMart ,makapagtapos ng College pra magkaroon ng mgandang trabaho..At higit sa lahat lumaki siyang hindi sakitin.

Madami.. As in Pero Kung ano nag nais ng baby nmin I would support him.. Basta ang manguna ung may takot s diyos at respect s mga elders Yan ang Mas importante Para saken

lumaking may takot sa Panginoon. Pag naka focus si baby kay Lord paglake Masaganang buhay at pagpapala ang matatamasa nya. makapag tapos ng pag aaral at maging Businesswoman

Pangarap kong lumaki cla na mababait at mapagmahal sa magulang at may pananalig at takot sa diyos. Kahit na hindi kami perfect na mga magulang. 😇😊