Anong nami-miss mo noong dalaga ka pa?

Motherhood is a forever love story. Pero minsan, hindi natin maiwasang balikan ang dati. Ikaw mommy, anong memories ang nami-miss mo noong dalaga ka pa? Kwentuhan tayo!

Anong nami-miss mo noong dalaga ka pa?
354 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ang namimiss ko nung dalaga pa ako ay yung nakakagala ako kahit saan ko gusto at umuuwi ako kung kailan ko gusto. Naging wild kasi ako nung dalaga pa ako pero hindi naman yung tipong nagshahabu sa sobrang wild haπŸ˜‚ Namimiss ko yung pagiging party goer ko kahit saang sayawan hindi kami nagpapatalo ng mga kaibigan ko meron pa minsan pag may nangiinis samin sa discohan ginagawa namin nilalagaynamin ihi namin sa mineral bottle saka ibubuhos sa kanila HAHAHA namimiss ko rin yung mga barkada ko, mga galaan namin mga inuman na nauuwi minsan sa guloπŸ˜‚ Naguunahan sa takbohan para hindi mahuli ng mga pulis at nagtatago sa dilim para lang hindi mahuli HAHAHAHA napapagapang pa sa gitna ng daan na madilim para lang hindi mahuli🀣🀣 Namimiss ko yung akala ng mga matatandang lalaki na mga manyak eh mga bayarang babae kami kasi naman pulang pula yung bibig at maiikli ang suot pero di naman yunh tipong parang huhubad na ha🀣 Nililibre kami nila ng pagkain taz bibigyan pera akala nila makukuha nila kami sinasabihan lang namin cr lang kami pero hindi na kami bumabalik🀣 minsan tinatakbuhan na lang namin biglaan buti na lng hindi kami nahuhuliπŸ˜‚ Nakakamiss yung mabasag ilong at magkaduguan dahil sa guloπŸ˜‚ Pero hindi maganda ang naging buhay dalaga ko pero sobrang sayang mga araw yun ng buhay ko pero mas masaya, tahimik, at lalong mas maganda ang buhay pag meron ng anak na inaalagaan at buhay na malayo sa guloπŸ’–

Magbasa pa
VIP Member

Sa totoo di ko maiwasang isipin na , kamusta kaya kung wala pa kong anak ? siguro anytime pwede ulit ako makapunta kung saan . inom dito dito doon . gala dito gala doon . at anytime pwede ako matulog at di ako gigising ng maaga . pero sa totoo lang din . ang laki ng pinag bago ko nung nag kaanak ako . excited at nag mamadali ako palaging umuwi , hindi na ako ung unang nag aaya sa mga kaibgan ko na mag gala . hindi nako nasama sa mga inuman . namimiss ko ung ganon pero ayoko ng balikan . sobrang saya sa tuwing uuwi ako at excited ung mukha ng anak ko sa tuwing nakikita nya ko . super bless at happy ko dahil dumating sa buhay ung anak ko . noon konting problema naiisip ko mag pakamatay . yes ! masyado ako maramdamin . masyado ko dinidibdib mga bagay bagay . pero dahil sa anak ko . nilalabanan ko lahat . kaya sobrang nabago buhay ko ❀️

Magbasa pa

The most memorable memories that I had noong dalaga pa ako ay ang mga bondings and gala with my friends. I also missed those days na uuwi akong lasing kasi gustong gusto ko sumama sa boyfriend ko (praning ako eh hahaha baka may kasamang ibang babaeπŸ˜…) But now, I am ecstatic kasi uuwi na kami sa iisang bahay, magkasama na kaming matutulog. Tsaka kahit na hindi na ako nakakagala with my friends they will visit me dito sa bahay if they have time so basically, nag bobonding pa rin kami. My life before was rainbows and cupcakes, palaging masaya. However, my life now that I am already a mother is much more than a happy life. Marami man kaming struggles ngayon with my hubby, mas masaya at mas makabuluhan naman ang buhay namin ngayon because we have our motivation to go further in this life, our little cutie princess. ❀️

Magbasa pa

Pinakamiss ko nong dalaga pa ko yong 23" waist line, palagi maayos ang hitsura, nakakapasyal kung saan gusto at pwede magpuyat while kakwentuhan ang circle of friends pero ibang-iba na ngayon. Baliktad na waitline ko from 23" to 32", kahit isang beses lang magsuklay sa isang araw ayos na maasikaso lang agad ang mga anak at at asawa ko, makakapasyal lang ngayon kapag planado lahat ang budget, lugar if child friendly ba, san man magtravel it's always a must kasama ang buong family di na pwede solo flight, at ngayon nagpupuyat ako para magligpit ng mga naiwang kalat na hindi naayos ng mga bata kasi mas masarap kumilos at maglinis pagtulog na ang mga magagaling magkalat. Challenging ang pagbabago pero hindi ko naman mami-miss ang milestones ng mga anak ko.

Magbasa pa
VIP Member

na miss ko ung mga biglaan travel ung kahit 12midnight basta mag kayayaan e go agad, na miss ko ung mga pag akyat ko Ng bundok, na miss ko ung every payday my new shoes or bag Ako dapat terno sila, Ng mg gf/bf Naman kami ni hubby magala din kami long ride angkas lang SA motor nature tripping ngaun Hindi na Pwd maselan ung pag bubuntis ko na kahit 30mins travel e spotting ang Ng yayari sakin pag uwi na miss ko na din kumain SA Labas Kasi bedrest kung bedrest Ako ngaun Pero looking back thankful pa din kay lord Kasi pina experience nya Ako sa mga ganon bagay atlis ngaun my happy memories akong ni lolook back, masaya pa din nakaka miss Pero walang regrets Kasi iba naman ang journey namin ngaun at we still see to it na magiging masaya pa din ☺️😊

Magbasa pa
VIP Member

ako madami una bonding with parents and siblings, syempre nandun yung gala with barkada at makakalabaa ng bahay simula full time mom ako di na ata ako nakagala, gang labas lang ng pinto ng bahay namin, tas noong nagwowork ako namimiss ko narin kasi laging may outing din kapag may work, totoo daming sakripisyo ng ina dahil sa dami ng di nagagawa, mapapaisip ka nalang na mahirap din pala nagagawa ng iyong ina para sayo kaya proud ako sa mama ko. Namiss ko ring ilabas ako ng asawa ko di narin namin magawa nakakalungkot lang. pero super happy ako na may cute at makulit akong baby girl

Magbasa pa
VIP Member

Sometimes, i miss it. lalo na pag nakakaramdam ako ng stress. Dati kasi sarili ko lang ang inintindi ko like pwede akong matulog at gumising kahit anong oras ko gustuhin, pwede akong gumimik, gumala at umuwi kung anong oras ko gustuhin. Pero winawaksi ko rin agad lahat ng yun kasi ginusto ko naman magkaanak kaya kaakibat nun ang igive up yung buhay dalaga ko. Ginusto ko to, Paninindigan ko. After siguro nitong pandemic, magagawa ko ring gumala pero kasama ng ang anak ko. Paniguradong mas masaya kesa nung dalaga ako kasi kasama ko ang baby ko 😍😊.

Magbasa pa

ang namimiss ko nung dalaga ako ay yung time na bonding namin ng mga magulang ko at mga kapatid ko kapag gabi bonding namin ang midnight snack with watching horror movies pa ... at yung feeling na si mama ko ang mag tatali ng buhok ko kahit dalaga na ako ... hindi ako makakatulog sa gabi na hindi si mama ang katabi ko sa gabi pag mamalengke kami tatlo kmi nila mama at papa iwan mga kapatid ko .. syempre gusto ko lagi ako kasama ee 😊 sila mama at papa ang magsusundo saken sa school lahat ng yan namimiss ko noong dalaga ako ...

Magbasa pa
3y ago

Sameee. Huhu.

VIP Member

gumala ng walang ibang iniisip kundi sarili lang , yung alam mong walang nag aantay sayo sa bahay kaya dika nagmamadali umuwi . nakakapunta ka kung saan saan. nakakadalo ka ng mga occassions ng mga friends mo ng wala kang bitbit o inaasikaso. bring back memories nalang talaga lahat πŸ˜‚ pero ngayon mas masaya pala yung kasama mo anak o pamilya mo sa mga ganyang galaan ❀️ nakakapagod man mag-asikaso pero yung memories at adventure na binibigay sakin non ibang-iba sa adventure at memories nung dalaga pako ❀️❀️

Magbasa pa

Namiss ko Rin Po Yung kumpleto Ang pamilya namin nung nabubuhay pa Nanay ko. Kc ngayon Mula ng mamatay Nanay ko, nagkanya kanya na kami NG mga kapatid ko. Lumuwas kc sila NG Maynila Kaya Mula noon di na kami nagkasama sama NG mga kapatid ko. Kaya Isa sa MGA wish ko Ang makapiling ko mga kapatid ko. Kc namimiss ko na silang lahat. Pati Yung bonding namin kahit salat kami sa buhay noon at toyo lang ulam namin masaya na kami nun NG mga kapatid ko. Miss u Nanay at mga kapatid β™₯οΈπŸ˜”β™₯️

Magbasa pa