Anong nami-miss mo noong dalaga ka pa?

Motherhood is a forever love story. Pero minsan, hindi natin maiwasang balikan ang dati. Ikaw mommy, anong memories ang nami-miss mo noong dalaga ka pa? Kwentuhan tayo!

Anong nami-miss mo noong dalaga ka pa?
354 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ang namimiss ko nung dalaga pa ako ay yung nakakagala ako kahit saan ko gusto at umuuwi ako kung kailan ko gusto. Naging wild kasi ako nung dalaga pa ako pero hindi naman yung tipong nagshahabu sa sobrang wild ha😂 Namimiss ko yung pagiging party goer ko kahit saang sayawan hindi kami nagpapatalo ng mga kaibigan ko meron pa minsan pag may nangiinis samin sa discohan ginagawa namin nilalagaynamin ihi namin sa mineral bottle saka ibubuhos sa kanila HAHAHA namimiss ko rin yung mga barkada ko, mga galaan namin mga inuman na nauuwi minsan sa gulo😂 Naguunahan sa takbohan para hindi mahuli ng mga pulis at nagtatago sa dilim para lang hindi mahuli HAHAHAHA napapagapang pa sa gitna ng daan na madilim para lang hindi mahuli🤣🤣 Namimiss ko yung akala ng mga matatandang lalaki na mga manyak eh mga bayarang babae kami kasi naman pulang pula yung bibig at maiikli ang suot pero di naman yunh tipong parang huhubad na ha🤣 Nililibre kami nila ng pagkain taz bibigyan pera akala nila makukuha nila kami sinasabihan lang namin cr lang kami pero hindi na kami bumabalik🤣 minsan tinatakbuhan na lang namin biglaan buti na lng hindi kami nahuhuli😂 Nakakamiss yung mabasag ilong at magkaduguan dahil sa gulo😂 Pero hindi maganda ang naging buhay dalaga ko pero sobrang sayang mga araw yun ng buhay ko pero mas masaya, tahimik, at lalong mas maganda ang buhay pag meron ng anak na inaalagaan at buhay na malayo sa gulo💖

Magbasa pa