Good or Bad?

Ano'ng first impression mo kay hubby?

Good or Bad?
76 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nakilala ko sya . Sobrang kulit at mapang asar . Bwiset nga ako sa knya non . amasona ksi ko nung nag aaral kmi . pag binwiset nya ako bnubugbog ko talaga sya . pero naging mag kaibigan dn kmi . sarap nya kausap 😊 hanggang sa na inlove ako . pero nauna sya umamin 😁 tapos matalino yan . Lalo sa math 😍 GF nya na ako ayaw nya ako pakopyahin , pero sa English nangongopya skin . HAHAHAHA . 10 Years na kmi . at mag dadalawa na anak nmin heheheh . ganun pa dn sya hanggang ngayon . makulit at mapang asar . pero sobrang maalaga sweet , at mapag mahal . πŸ’—πŸ˜Š swerte ko sa knya sobra . Kahit nung Highschool eh . medyo malandi sya sa Iba .πŸ™„

Magbasa pa

Nagkakilala kami sa dating app nung nagpandemic dapat di ko sya iswipe right kasi mukha syang bad boy, dami tattoo may hawak pang kape at sigarilyo πŸ˜‚ kaso nakita ko may pusa syang katabi nakapa cute kaya sinwipe right kona. Chat sya ng chat sakin tapos nag decide kami magkita taga QC sya taga Rizal naman ako sa loob lang kami ng car nya kumain since takot kami makihalubilo sa ibang tao. Sbi ko after 1 month diko na sya replyan kasi diko talaga sya bet tapos 19 lang ako nung nagkakilala kami tapos 30 naman sya, pero ngayon ikakasal na kami at magkakaron ng baby πŸ˜‚ wag talaga tayo magsasalita ng tapos mga mommies hahahha

Magbasa pa

Malinis kasi maputi, gwapo, at BAKLA πŸ˜… sobrang puti at ang pula nang mga labi. ( kaya akala ko bakla haha) Good looking yun nga lang wlang taste sa pananamit, lahat loose from shirt to jeans πŸ˜… wlang ka arteΒ² para pang DUCK kung maglakad, ki lakiΒ² nang pwet πŸ˜‚ Kahit gwapo sha, dko sha type, kasi more on moreno talaga ako.. But as what the saying goes, opposite attracts πŸ˜… choosy pa ako? d namn ako kagandahan πŸ˜‚ But as what the saying goes, love is blind, haha chawort! 8 years & 3 months na kami, and now expecting our 2nd baby sana kung hnd lang nakunan πŸ˜₯

Magbasa pa
TapFluencer

Bad, Mukha kasing mahilig sa gulo nun e tuwing may away kasi sa School nandun sya, mayabang,yung purmahan nya pa nun Nakauniform pero nakabukas yung polo pinapakita yung laki ng katawan, Mahilig sa babae haha halos lahat ng bababe na may gusto sknya pinapatulan nya e (di naman kagwapuhan malakas lang dating) πŸ˜‚,at mukang di mapagkalatiwalaan kasi parang gagawa nng masama palagi lagi pang may Hena sa katawan may hikaw pa at kulay pa buhok pero nung naging close friend ko sya ibang iba pala sya dun sa mga akala ko πŸ˜‚ kaya ayun mag7yrs na kaming magjowa with 2kiddusπŸ˜ŠπŸ’•

Magbasa pa

aware naman sya, na mga tipo nya ung mga taong iniiwasan ko kasi parang hindi seryoso sa buhay, daming kalokahan, always surrounded by his barkada in the office, nag-iinom (kahit nainom dn naman ako minsan char!) basta parang trip trip lang lahat sa knya everything changed when I finally gave myself a chance to get to know him. Judger lang pala ako πŸ˜… ayun fast forward to today, we're celebrating our first weddng anniversary this month and expecting our first baby next month.

Magbasa pa

1st impression ko ay mabait sya,mabango at malinis tingnan.textmate lang kami kaya after ng months na pag uusap thru text napagdesisyunan namin na mag eyeball.tama naman yung 1st impression ko.walang duda na mabait.yun nga lang kapag na impluwensyahan na ng nakapaligid eh naliligaw na ng landas.14yrs na kami at magtatatlo ang anak.pero sa 14yrs na yun 5yrs sya sa abroad.nagkahiwalay pero binigyan ng chance alang-alang sa mga bata.

Magbasa pa

Parang hindi marunong magseryoso sa buhay. Nakakainis nung una kasi sobrang maloko kaya nung una din ayaw ko talaga sa kanya. Hanggang ngayon naman maloko pa din siya pero tinanggap ko nalang din kasi yon naman ang dapat gawin. Lahat ng flaws niya tinanggap ko ng buo kahit yung hindi niya pagiging sweet hahahahaha

Magbasa pa

First impression ko, irresponsible and mahilig bumarkada. Pero I really liked him simula pa lang dahil sa sense of humor nya and sa brains hheheh. Parehas kami ng wavelength so masaya ako pag kausap ko sya. Also, he proved me wrong dun sa first impression. He prioritizes us, his family and responsible.

Magbasa pa
VIP Member

Sa text sweet. Sobrang sweet. Sa personal, first impression ko sa kanya bad boy kase rugged tapos punkista sya nung una kong makita. May hikaw pa sa dila πŸ˜… di ko talaga inexpect pero siguro kase un yung trend nuon. Nakikiuso sya.

Kala ko nun mayabang siya, nakakatakot itsura parang strict kasi madami siya tattoo full sleeve maglabilaan, tapos laging seryuso ang mukha haha, manager kasi namin siya dati sa pinagwoworkan namin kaya dagdag takot din πŸ˜‚