breastmilk

Ano po na pwede gawin o inumin para dumami ang gatas. Pang 5 days ko po ngayon na magpapadede pero feeling ko sobrang konti lang nadedede ni baby. Ayaw ko man gumamit ng formula milk pero pinansupport ko yung formula milk kagabi kasi di sya makuntento sa gatas ko lagi sya umiiyak kahit matagal ko sya pinapadede. Na iistress na po ako pano padamihin yung gatas ko kahit unli latch ginagawa ko sa umaga. Pa help naman po kung pano nyo napadami gatas nyo. Sana may makapansin Ginagawa ko na ngang tubig yung pinakuluang malunggay para dumami gatas ko. Thank you po

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello mommy, be patient lang po. Di agad yan biglang malakas ang flow ng gatas natin sa mga uanng araw, normal po na pakonte2 muna kasi design talaga breast natin to feed the baby. Mag aadjust din yang milk mo sa needs nya, weekly po yan may improvement di mo lang nakikita kasi iba ang sucking ng newborn. Di rin po ibig sabihin everytime iyak ni baby ay gutom. 9mos po yan sa tyan natim, namimeet agad ang needs nya, nag aadjust pa yan sya sa new environment kasi kung tutuusin maingay sa loob natin, heartbeat, internal organs, boses mo ang music nya. Warm and dark and he feel safe. Unli latch lang talaga po, laway nya lang makapag stimulate ng gatas mo to mature. Patience lang din talaga. Join Breastfeeding groups sa fb mommy dagdag support sa journey mo din aside from eating nutritious & lactating foods. :)

Magbasa pa
Post reply image
4y ago

Thank you mommy.

Hindi basihan ang pag-iyak ni baby sa kunti ang gatas mo. 5 days pa lang si baby nag-adjust pa siya sa labas kaya kailangan niya ng suport galing sayo at hindi dahilan yon na kulang ang milk mo. Huwag na huwag kang mag formula kung gusto mo dumami ang gatas mo.

Super Mum

If okay po ang diaper output ni baby, sapat po ang gatas nyo mommy. ❤😊. Unlilatch po, skin to skin din make sure din po tama latch ni baby. Pwede po kayo magmalunggay capsules. Inom ng maraming tubig. Good luck mommy, happy latching!

4y ago

Thank you mommy. May poop and wiwi naman po yung mga diaper ni baby, kaso nakakaiyak lang kasi pag nakikita ko di sya nakokontento sa lumalabas sakin kahit ang tagal nyang nakababad sakin para dumede.

Unli latch nga po and try mo mommy ang milo and oatmeal yun lang ginawa ko and 3 months ng exclusive breastfeed baby ko healthy and over pa sya ng 1 kl sa age nya . Tapos more water talaga in a day nakaka 2-3 litters ako .. goodluck

4y ago

Sige po gawin ko yan mommy. Thank you po

VIP Member
4y ago

Thank you sa info mommy. Sana dumami na din ang milk ko. Ginagawa ko na ngang tubig yung pinakuluang dahon ng malunggay eh..

more liquids.fruit juices