Paadvice po! Pano magkagatas ulit

Pano po ba magkagatas ulit? Nung lumabas si baby mali naging umpisa namin, nag formula milk sya agad paglabas nya kasi feeling ko wala akong gatas (FTM po ako). Tapos after ko manganak, tumira ko sa mga biyenan ko. Mas lalong di na nafocus sa bf si baby kasi ok sa kanila ang formula milk (which I regret the most) sana pala pinush ko kahit umiyak si baby 😭 sobrang stress din ako sa bahay ng biyenan ko kasi ang dami nilang binabawal (naniniwala sila sa mga myth). Nag try akong mag pump pero after 2wks pa. Until unti lumakas naman gatas ko. Kaso after 1month umuwi na kami sa bahay namin. Kaming mag asawa lang gumagawa kaya nawalan Naman akong time mag pump. Si baby naman ayaw mag latch sakin ng matagal kasi naiirita sya pag konti nadedede nya. Ngayon wala na halos lumalabas na gatas sakin 😭 2mos na si baby. Pano po dapat gawin? May chance pa bang lumakas gatas ko? Ang mahal kasi ng formula milk. Ayaw naman papalitan ng mga biyenan ko yung s26 gold 😐

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mamsh, itry mo nang itry na maglatch si baby sayo. Siya lang rin ang makakapagstimulate ng gatas mo. Pwede mo rin itry magpa lactation massage or search ka online ng self massage techniques to stimulate milk production. Most importantly, wag ka masyadong mastress. Part of it is psychological din. Believe na kakayanin niyo ni baby ulit magbreastfeed.

Magbasa pa