Paadvice po! Pano magkagatas ulit

Pano po ba magkagatas ulit? Nung lumabas si baby mali naging umpisa namin, nag formula milk sya agad paglabas nya kasi feeling ko wala akong gatas (FTM po ako). Tapos after ko manganak, tumira ko sa mga biyenan ko. Mas lalong di na nafocus sa bf si baby kasi ok sa kanila ang formula milk (which I regret the most) sana pala pinush ko kahit umiyak si baby 😭 sobrang stress din ako sa bahay ng biyenan ko kasi ang dami nilang binabawal (naniniwala sila sa mga myth). Nag try akong mag pump pero after 2wks pa. Until unti lumakas naman gatas ko. Kaso after 1month umuwi na kami sa bahay namin. Kaming mag asawa lang gumagawa kaya nawalan Naman akong time mag pump. Si baby naman ayaw mag latch sakin ng matagal kasi naiirita sya pag konti nadedede nya. Ngayon wala na halos lumalabas na gatas sakin 😭 2mos na si baby. Pano po dapat gawin? May chance pa bang lumakas gatas ko? Ang mahal kasi ng formula milk. Ayaw naman papalitan ng mga biyenan ko yung s26 gold 😐

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ditch the formula milk and bottles.never akong bumili nyan kasi nakamindset ako na I should trust my body. 3 yrs unlilatch exclusive bfeeding kami.walang pagsisisi,never naospital ang anak ko,napakahealthy. walang gastos sa gatas,water at bote,walang hassle sa paghugas at sterilize ng feeding bottles. napaka convenient kasi labas dodo lang go na..yun lang kangalay ang posisyon kasi moatly side lying magpadede. kaya stretching everyday ng back ko. advise ko lang hydrate ur self, take malunggay capsule or kung may puno ng malunggay paluto ka ng masabaw na may malunggay lagi. I drink beer 3x a wk kasi may malt un,milk booster yan. tapos umiinom ako ng milo, milk booster na choco drink or coffee,nagpapamassage ako ng back at buong katawan. at lagi ko syang pinapadede hanggang masanay sya ng unli latch..feeling natin naiirita sya kasi kulang ang nadedede,hindi yan. minsan kasi need lang ng babies ng hug,warmth ng nanay. sali ka sa breastfeeding pinay sa fb.very helpful ung page

Magbasa pa

unlilatch sis. bgo mo padedein ng formula sayo muna. tatyagain mo siya and Pwede din exclusive pumping n lng.. every 3 hrs round the clock. hingan mo tulong byenan mo kung ayaw papalitan Yung milk. Kung Mahal nmn Kasi tlaga.. medyo mahirap n mag relactate Lalo n Kung wala Kang kasama sa Bahay na Pwede tumulong sa gawain. ikaw masusunod Kay baby though ok Ang s26 Kso Kung kapos sa budget wla na tayo magagawa . pag nagalit sabhin mo straight sa mukha Nya na Mahal Yung gatas at nahihirapan kayo i sustain Yung ganun kamahal. mananahimik un Kung wlang maitutulong.. Kung decided k Po my mga group sa fb n makakatulong Sayo.

Magbasa pa