Help pls. Pacheck nung asa neck.
Ano po kaya yung andito sa neck ni baby? Paano kaya gamutin? Let me know what can i do. Nilagyan ko siya ng petroleum jelly nabasa ko kasi but im not sure if tama bang lagyan. Help pls. Thank yoou
Ganyan din po sa unang baby ko before. be mindful po kung saan natutulo ang gatas niyo po pag nagpapadede kayo. Sa dami po ng sinubukan ko dahil sa mga suggestion ng mga nag gagaling galingang nakakatanda sa akin eh, amoxicillin po ang nakatulong na maghilom agad ang ganyan ng anak ko. unang paglagay palang sa part ng affected areas eh natuyo na po agad. di ko pa po naubos ang isang capsule ng amoxicillin nagaling na po ang sa leeg, dalawang tenga, at kamay niya po. ilagay niyo lang po ang powder ng amoxicillin sa area na affected po. di po umiyak baby ko nung nilagay ko yun meaning di po siya mahapdi.
Magbasa paPetroleum jelly is not advisable for any rushes. Elica cream po makakapag-pagaling jan. Nasa worth 400+ din yun. Tapos paliguan mo lang sya araw araw. Lagi mo tutuyuin leeg nya. Wag din lagyan ng pulbo. Mas lalong lalala yan. Ganyan din sa baby ko before. Dahil sa gatas yan kaya ganyan. Lagi mo sya lalagyan ng bimpo sa leeg pag magpapa-dede ka. And para maging kumportable ka, always go to her/his pedia para alam mo gagawin mo.
Magbasa panagkaron din ng ganyan baby ko sa gatas daw po yan na napupunta sa leeg, actually kagagaling lang. foskina B ointment super hiyang sa baby ko try nyo po. recommended lang din sya ng friend ko reseta kasi sa baby nya ng pedia nila. twice palang ako nagpahid natuyo na agad. try nyo po sa mercury nabibili. mejo pricey lang po. 590 sya.
Magbasa paay mamsh no po sa petroleum jelly mainit po sa balat yun lalo pong hindi matutuyo yung nasa leeg ni baby. Ang kailangan po, dapat laging dry ang area na yan mamsh kase magsusugat talaga sya and mahapdi yan then punta kayo pedia pa reseta kayo ng para sa ganyan π
panatilihin pong tuyo yung leeg ni baby.. sometimes po kase jan napupunta yung milk sa tuwing nag rereflux si baby. kaya dapat punasan kaagad at sa tuwing pinapaliguan mak sure na linisan yung leeg ng baby nyo po.
Mommy.. Parang irritated po yung skin.. Banlawan niyo po maigi pag maliligo si baby.. Then pat it dry lang po with a soft towel.. Wag niyo pong hagurin.. Or hilurin.. Lagyan niyo din po ng drapolene..
Dapat po laging dry lang po lagi nyo punasan at patuyuin agad pag ganyan kalala wag po lagyan ng pulbo kc didikit lang sya bili po kau Drapolene effective po sya sa rushes katulad ng ganyan
nagkaganyan din lo ko ang ginagawa ko tinutuyo ko then nilalagyan ko lang ng powder yung white johnson mabilis nmn sta natuyo at nawala,agapan mo nalanv sis pag napupunta dun yung gatas
Mommy better consult pedia po para hindi lumala or mairritate lalo. Baka po kasi yung mga creams na advice dito by other moms nagwork sa anak nila it doesn't mean magwork sa baby mo.
rashes momsh. make sure nahahanginan neck ni baby. kapag natuluan ng milk, punasan agad ng towel na may maligamgam na water. no need to.put any cream or powder.