iyakin si baby

Ano po kaya pwede gawin s LO ko . naging iyakin sya start ng 3weeks. ngayon po 1month and 8days na sya sabi nila normal daw dahil sa growth sprout. sinisigurado ko po na busog, komportable, malinis ang diaper, walang kabag, pero ganun parin. Napapansin ko po ganun sya kapag parang antok sya . Yung iyak nya parang galit na galit, gusto nya may nakalagay lang sa bibig nya na dede , tapos dumedede sya habang umiiyak, kapag busog na sya lalakas iyak nya tapos pang gigigilan nya yung dede. Matagal din sya makatulog , umaabot kami ng 2-3hours sa paghehele/pagsayaw kasi nga umiiyak sya. Naaawa ako sa baby ko kapag umiiyak , help naman mga momsh ! Ano ba dapat gawin

iyakin si baby
19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pa checkup mo sya sa pedia sis . Ganyan baby ko nung 1 half month . Buong araw wala syang ggawin kundi umiyak kahit naka dede na ok nmn sya walang lagnat . Sumunod mga ilang araw ganun pdin sya so nag decide na kmi dalin sya sa pedia nya . Meron pala syang ( Colic ) search mo about colic sis . Crying bby tlga sila . Pero now ok na baby ko going 4 months old na sya

Magbasa pa
6y ago

Ano milk nya sis