Express lang po ng sama ng loob

Ano po gagawin ko? Naiinis na ako sa sister in law ko?ganito kasi yon. Tumitira kami ng husband ko sa parents niya kasi nga sya lang yung lalaki sa pamilya tas yung kapatid nyang isa na babae andun na Sa US tumira. Gusto ng papa nya na dito kami titira kasi sayang naman yung bahay malaki pa naman. Eh itong isa nyang kapatid na matanda sa kanya eh andito din tumira Peru may sariling kwarto kami ng asawa ko at sister nya. Ang nakakainis eh laging naka standby sa kwarto namin yung sister nya kasi may sariling WiFi kami mag asawa. Yung tipong may away mag asawa eh hindi kami ma sesetle kasi andyan sya eh. Hindi nga marunong mamasid. Tapos napakaburara sa gamit. Ako ang laging taga sunod sa kalat nya, makalat kasi sya. Kung saan² iiwan yung dala nyang gamit sa kwarto namin. Eh mahihiya naman akong mag confront kasi nakakatanda sya eh. 30 years old napo sya at Wala pang asawa samantalang 29 husband ko tas 20 ako. May araw pa na may dinadala syang bata na 2 yes old, anak ng neighbor namin at pinapatulog nya sa bed namin sa tanghali??eh ako buntis ako ng 7 months at naglalabat nagluluto pa ako. Gusto ko sanang humiga eh hindi ako makapag relax kasi may pinahiga syang bata?spoiled ang bata na yun. May sarili naman syang kwarto at dun patulugin anak anakan nya. Napaka insensitive naman nya po. May mga time pa na gumagawa sya ng ice water sa loob pa ng kwarto namin at nag wawifi. ??Gusto ko nang bumukod kami?Napakasama pa ng ugali ng mil ko. Yung tipong kapag sinasaltik sa utak kung ano² sasabihin. Pati mga neighbors nadadamay.

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Annoying naman niyan. Halatang road to singlehood ang sister in law mo. Kulang na kulang sa attention and mukhang malungkot ang life. Kausapin mo na lang hubby mo kasi napakaimportante talaga ng privacy sa totoo lang. Bumili nalang kayonng router and ilagay niyo sa room niya para makaramdam siya kahit konti. Ang annoying ng ganyan, iba yuny clinginess sa thickness eh. And di naman sa kaartehan oero ibang bata na kasi yon kung sana ba anak niya eh ok lang sana. Grabe di ko gets bakit ginagwa niyang tambayan. Bukod na kayo, kayo lang ng partner mo makakapagusap niyan. Mukhang toxic yang environment na yan. Just because sinabi ng tatay niya susundin niyo na. Make your own decisions.

Magbasa pa

Talk to your hubby 1st. Tell him what you feel, what you observe, what's making you uneasy, everything. Ako sinabi ko talaga sakanya lahat. Ayaw ko kasama mama niya sa iisang bahay kasi madami at kung ano ano nasasabi controlling. Gusto ko naka bukod kami. And he understands, and he's sorry na ganun na pala ginagawa ng mama niya sakin pag wala siya. And super nakakagaaan ng loob at ng pakiramdam.

Magbasa pa
VIP Member

OMG nakakainis naman yan sis maganda siguro ikaw ang magsabi sa asawa mo yung ganung ugali ng sister niya para siya ang magsabi sa ate niya.napakainsensitive naman ng ate niya.yung bukod talaga maganda yun kasi wala ka pakikisamahan

D mo tlaga maiwasan yan since bahay nila yan. Kahit lalaki ung asawa or partner mo wla sa batas yan na siya dapat tumira jan sa ancestral house nila. Par d ka mahirapan bumukod nlanh.kayo para may privacy kayo

Kawawa ka naman kaya nag comment ka sa post ko hahaha porket nag tanong ako kung masama ba na sobrang tawa haha. Kasi unhappy ka Pala blehhh

VIP Member

Bumukod nlng kayo sis. O ipaputolmo wifi niyo.. Pra kcng sinsadya niya na sa kwarto niyo mamalagi para dka makphinga.. At umlis nlang kau

Tingin ko mas maganda kausapin mo ang asawa mo tungkol sa kapatid niya. Siya na lang ang kumausap.

Bumukod na lang kayo. Lakas makastress ng ganyan e