25 Replies
Hindi ka nag iisa. I feel you. Nako lalo na pag nakapanganak kana baka lalo pa sya sumobra sa di mo inaasahan. Kasi ako ganyan din asawa ko pero di pa kami kasal, nung di pako nanganganak ganyan sya lalo ngayon kung kelan lumabas baby boy namin tsaka parang lalo syang tumindi. Kapag di mo pinayagan lumabas sisimangutan ka at dika kakausapin, tapos puro laro lang di mag alaga ng anak namin pipilitin at pakikiusapan mo pa. Sabi ko nga sa sarili ko kung alam ko lang na ganto sana di na lang ako nabuntis o nanganak pero wala e eto na ang binigay sakin. May tinatawag kasing bf material at husband material, yun sanang husband material kahit di na bf. Kasi kapag nasa stage kana kung nasan ka tsaka mo lang malalaman marerealize lahat may punto pa nga na sa inis ko minumura ko na sya lalo pag di napipigilan paglalaro yung pag inutusan mo ayaw magpaistorbo. Panget yung ganyan dapat bago palang magbago na sya kasi magiging tatay na sya. Sa totoo lang bawal mainggit pero naiingit ako sa ibang may asawa at anak ma sweet sila sa asawa nila at inuuna ang pamilya kesa sa barkada
adik din namn asawa ko sa ml pero ang gingawa ko nauuna ako kumain habang naglalaro p sya ksi i understand nmn na hindi pwede itigil ang laro habang ingame pa sya, kaya after ko kumain ako n naglalaro ng ml niya tpos sya na pinpakain ko ganun lng kami, or kapag malapit mluto ung niluluto ko sinsabhan ko n sya n last game nia n muna at kkain kmu, hindi ko sya pinpaglitan kc if ever talo ung laro nia maiinis lang yan at pagaawayan nio, minsan tintakot ko na cge d n kita ipagluto ml nalang kainin mo😂, takot nia lang n d ko sya pakainin ng niluto ko😂, pampahinto sa ganian kapag kinkausap mo sya about sa open minded ganern😂😂 lambingin mo hihinto yan wag mo sya sigawan panget kc s naglalaro na talo n nga sya s ml iniinis mo pa😂😂 maiinis lalo yan
Ahy wow. Iba yang asawa mo. Anu ang kasal sakaniya? Parang mainit na kanin na pagnapaso iluluwa? May ghad. Kung ayaw niya makinig sayo hayaan mo mosh. Umalis ka jan. Di ka nagasawa para magkaroon ng panganay. Nagasawa ka para magkaroon ng partner sa buhay sa hirap man o ginhawa. Pero pag ganyan naman ang lalake, iwan mo na. Kaya ka ngang iwan ng basta-basta eh. Unahan mo na. Para kahit papaano may natitirang pride pa din naman sayo. Patapos na ang ECQ. Balik ka na lang sa inyo. Bigyan mo siya ng space para marealize worth mo. Kung di siya bumalik. Di talaga siya para sayo Goodluck. Godbless . And stay strong. Pagp-pray kita. 💪😘
Iyakin pa nman ako ngayon gawa ng buntis. Hindi ko mapigilan na di lumuha. Ba sstress ako. Hindi nya lang ako maintidihan. Pero paulit ulit kong pinapa intindi skanya na iba ako ngayon kesa dati. Kaya sana intindihin nya pero wala ako pa din pala ang kailangan mag adjust. 😔
Husband ko din adik sa games. Pero hinahayaan ko lang kasi alam ko yun yung way niya para irelax utak niya. Tska magaling kasi siya sa games, so feeling ko way niya din yun para istimulate mind niya. Ako sa pagbabasa. So iba iba talaga. Kailangan din kasi ng mind natin ng exercise. Ang mahalaga, pag naglambing ako, maglalambing siya. Hahahaha. If I were you mommy, kausapin mo siya. Sabihan mo in advance. Like, "love, after niyan usap muna tayo ha". Tapos saka mo sabihin lahat. Kalmahan mo lang. Kasi ang mga lalaki pag feeling nila inaatake sila nagiging defensive yan. Lalo lang di makikinig.
Minsan ang mga lakaki hirap nila tayong intindihin. Nagsabi ka lang ng nararamdaman mo at gusto mo lang naman siyang magbigay ng attention sayo pero controlling agad? Wag mo muna siya kausapin sis. Give him time to realize what he has done. Pero pag wala talaga , kahit anong words kasi di makakapagpabago sa isip niya feeling niya siya yung tama. He needs to adjust now that you guys are married and about to have a baby. Hirap sa mga lalaki feeling babies madalas. Konti lang talaga mga guys na at least mature.
Hindi nman siya ganito nung may work pa at di pa ecq. Ngayon naging ganito. Pinipilit ko na ipaintindi skanya na buntis ako at iba ang katawan ko ngayonbjesa dati kaso parang nagkamali ako, kailangan pala ako ang mag aadjust for him. Kasi akala nya kino kontrol ko siya kahit hindi nman.
Kami ng husband ko mahilig sa mobile games, minsan isa yun sa napag aawayan namin dati sa Dragon Nest nya kasi wala ako ng game nayun 🤣🤣, pero ngayon hndi nman na, kasi naglalaro din ako 😂 sabay kami naglalaro ng Mobile legends😅, at yung iba pang mga online games , hndi na ata mawawala samen dalawa yun parang yun nadn yung bonding naming dalawa 😂 btw sa mobile games kami nagkakilala kundi dahil sa laro na Lifeafter malamang may kanya kanyang buhay kami ngayon 😅...
i feel you sis, nakatira pa ako sa parents ko,tapos naandun siya sa bahay nila, isang buwan na niya kaming di dinadalaw, ang dahilan walang signal at hindi makapaglaro nG Ml, meron kaming 10 months old na baby tapos 7 months akong buntis, tadtad na tadtad yung tiyan ko dahil ako lang nag aasikaso sa anak ko, pag hindi ichachat hindi talaga mag chachat, ni kamusta nga wala na rin, gustoko na lang din marealize niya kaso napapagalitan naman ako ng mama ko,
Ang hirap ng ganito sis. Pag di i chat di din mag cchat. Nakakalungkot. 😓
Edi iwanan mo sya jusko!! Wag k magtiis s ganyang klaseng lalaki ate. Ikaw din mahihirapan lalo p at buntis ka. Naku maraming single parents ngayon n nsusurvive nman mga anak nila even me. FTM at single parent din ako at kayang kaya nman kasi my work ako di ako asa sakanya. Diskarte lng talaga mamsh wag ka masyado panghinaan ng loob ang importante ngaun magiging baby mo at hindi yang lalaking yan. Isipin mo ung mkakabuti sainyong mag-ina.
Speak to him, tell him you need him to focus on you more especially while your pregnant.. this is the time for you both to bond and prepare for the baby.. ask him what his plans are and what he wants paglabas ng baby, might be a start up conversation.. don't mention his basketball or mobile games, focus on what you need not what he is doing and let him figure out how he will afjust his time.. hope this helps..
ahhm. mag games k dn kaya. if wala p kau anak at buntis kp, mag games ka kahit anu tapos wag k magluto , tgnan natin kung d magalit yan. tas ikaw habang nag ggames ngumangata ng biscuit para s k magutom hehe. pag nagalit xa kausapin m maayos pag d nakinig deadmahin m na kunwari hangin xa o picture lang, tamang pang asar lang para ikaw nmn ang nai entertain,wag m i stress sarili mo. kawawa nman c baby
Anonymous