Need Advice

Ano po ba ang pwede gawin o pwedeng sabihin sa asawa na di man lang kaya mag adjust para sayo? Like puro na lang mobile games. Naiintindihan ko nman na walang work at wala nman siyang ibang ginagawa sa bahay, hindi ko nman siya pinagbabawalan sa paglalaro niya, pero dumating na sa point na kahit gabing gabi na tipong kakain na kami nag hintay ako skanya para sabay kami kumain tapos ang sasabihin niya kumain ako mag isa kung nagugutom na ako kasi naglalaro pa siya ng basketball kasama ang mga pinsan niya na maliliit pa skanya. Umabot na din sa point na hindi nya na ako kinaka usap kasi maghapon siya nag momibile games. Oo nagluluto nman siya pero, saglit lang un tapos laro ulit. Wala siyang time for me, pero sa ibang bagay meron, nagagalit siya pag pinagsasabihan ko siya. Pakiramdam ko mas kinakampihan niya pa ang mga pinsan niya kesa sa akin. Mas madami pa siya time para makipag bonding sa mga pinsan niya kesa ang mag usap kami. Ano po kaya ang pwedeng gawin ? Gusto ko sana umuwi sa probinsya at doon na lang manganak, kaso EQC pa din. Okay lang daw na maghiwalay kami bsta wag ko siya kontrolin. Mag damag kong iniyakan to. Hanggang ngayon. Na sstress na ako. ?

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Yung lip ko adik din sa online games hinahayaan ko lang basta responsable padib sya sa lahat, at pag kausap ko sya tinitigil nya muna game nya or sasabihin nya na mga ganitong minutes nalang mahal, kasi pag hindi kukunin ko cp nya at uninstall ko ung app ginawa ko nyan dati hahaha kaya may deal kami sa isat isa. Sana ganun din kau dapat mag usap kau mamsh wag ka masstress

Magbasa pa
VIP Member

Hndi deserving yang mga gnyan lalaki.. At no need mo mgtiis kung kaya mo nmn mgisa kau ni baby mo,. Buhay binata pa, hndi pa nya kayang akuin responsibility nya as a father of ur child.. Mahirap mgbuntis lalo na at anjan na lalabas c baby buwis buhay.!, wla cia pakialaman sa nrrmdaman at nraranasan mo bilang babae, may sarili cia mundo.. Mga gnyan lalaki iniiwan na.!

Magbasa pa

Ganyan dn yun Father ng baby ko. Kase mag kasama kme sa Work pag kakain na kme during 1hr break uunahin Pa ML tpos nagagalit Pa ag uutusan ko bumili like Water. Kaya gnagawa ko binibilisan ko kumain iniiwan ko sya ng wlang pasabi . Tpos after breaktime aask nya Pa kung galit ako. Nakakabuset lang. Hahahahaha Gawin mo momsh Unstall mo yun Games na yun.

Magbasa pa

Buti di kami ganyan ni hubby, may time kami for games pag wala na gagawin. 😢 Napag-usapan niyo po ba? Mas mabuti kasi pag-usapan muna at sabihin mo iyong nararamdaman mo, na dapat may time din kayo sa isa’t-isa at dapat sabay kayo kumain mga ganun. Hindi mo naman siya kino control eh, oa lang partner mo, hindi nag-iisip.

Magbasa pa

Mas okay na yan kesa sa ibang babae mafocus yung atensyon nya. Kapag nasayo na ying oras nya, kausapin mo sya tungkol sa rants mo. Wag mong awayin hehe Ganun kasi kami e. Kinausap ko ng maayos mas naging okay kesa nung palagi nalang akong galit kasi inaabot ng alas 2 kaka ml lockdown nga, katabi mo nga di mo naman maramdaman

Magbasa pa

Hahahahaha nako natutunan ko nang tanggapin na ganyan talaga sila. Mga tuod πŸ˜‚ gusto ko na ngang hiwalayan kundi lang ako buntis πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ ilayo mo nalang yung loob mo kesa masaktan ka. Jusko kapag gusto mo nang kausap hindi mo mahagilap pero kapag iyutan. Present minded palagi πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ mabwesit kalang

5y ago

πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Di pwede sakin yan hahaha away talaga toda max kami. Mabuti nalang marunong sya makinig pero minsan hinahayaan ko lang sya kasi alam ko naman paglabas ni baby di na nya magagawa yung ganon. Kasi kami na uunahin nya. Kausapin mo sya mamsh ako ganon ako sakanya eh.

Mamshy kausapin mo na masinsinan, pag hindi mo talaga nadaan sa usapan. Pag na lift na ang ECQ at pwede ka na bumyahe eh umuwi ka muna sa inyo. Unang-una sa lahat buntis ka kaya hindi ka dapat nasstress at nakakasama yang pag iyak mo stress yan sayo at kay baby.

Kung di pa kayo kasal,kung ako sayo iwan mo nalang. Di ka din magiging masaya kung ipagpipilitan mo lang. Masasaktan at puro stress ang aabutin mk sa ganan.mas isipin mo ang baby mo.ikaw lang tunay na nagmamahal jan kung ganan ang sinasabi sayo. Pray ka lang may.

5y ago

Kasal kami sis. Kaka kasal lang din ng 2019, nalaman kong buntis ako after the wedding pa. Okay nman nung una ngaun lang tlaga ganito. 7 months na pa nman ako ngayong may 8 months na ako sa june hindi ko alam kung tatanggapin ba ako eroplano o sa bus para maka byahe. πŸ˜“πŸ˜”

VIP Member

Diyos me ML at games talaga mga ganyn utak ng lalaki hindi dapat nag aasawa , para sakn diko tatagalan ganyn lalaki yng tipo wala pakelam ,,sya kaya mag buntis hirap hirap mag buntis lalo na mabilis tayo ma stress . Iwanan mo pag dipa dn na kinig sayo