Bongga or simple
Ano kya mgnda for 1st birthday? Any ideas?
kung kaya po ng budget na ibongga pwede naman. kami po ayaw ng in laws ko na paghandaan namin ng bongga yung anak namin dahil di pa naman daw matatandaan ni baby pero yung hubby ko talagang matagal palang pinag ipunan na nya first bday ni baby. naghanda po kami, may mga clown at videoke, may kids party. masaya po yung first bday kahit di pa nya masyado maappreciate, after nun tinanong ko asawa ko kung nagsisisi ba sya, hindi naman daw. narealize namin binigay lang namin yung best namin para sa first bday nya. nung second bday simple lang talaga ginawa namin. sa 7th bday na ulit kami babawi. kung may budget naman po go na pero kung magpapakapraktikal, kahit simple po okay na, kahit magsimba po kayo tapos kain with fam ok na ok na po yun
Magbasa paKahit ano. Kayo naman magulang, kayo lang mag eenjoy dyan dahil wala pang recollection si baby sa ganyang edad. :) Personally, I am not a fan of grand birthdays kahit kaya naman ng budget lalo na kung baby pa ang celebrant dahil para sakin, ibang tao lang mag eenjoy. Mas okay yung magbibirthday party siya pag kaya na niya makipaglaro or makisalamuha sa mga bisita niya. Plan namin for our baby's first birthday eh magtravel out of the country. Ganun din naman gastos, atleast hindi pagod. ☺️
Magbasa paKung kaya ng budget why not? Magandang paghandaan kasi 1yr 7yr 13yr and 18yr old pag girl si baby. Minsanan lang yan. Para saken ah. Yun din kasi usapan namin ng asawa ko. Sa mga ganyang taon dapat magandang bday ibigay namin sa prinsesa namin. Tagal namin sya inantay ibigay samin ni Lord eh. All the best for our baby.😊
Magbasa pafor me simple lang .. kasi po aside sa praktikal di parin kasi yan matatandaan ni baby if ever na bongga or super bonnga ung bday na ginawa nyo para sknya eh.. kaya ok sana yung simple lang with ur family .. ganun.. pero depende parin po sa inyo ng partner nyo :)
I don't think i will have a fancy party for baby at 1, di naman pa sya aware nun. I'll probably buy lechon for family and godparents lang kasi tradition sa amin. Pero i'll do a fancy photoshoot for the memories. As in full production haha
Kung ako po plan ko na simple magiging 1st bday ng baby ko.. kasi sa palagay ko di pa naman nya maeenjoy or maappreciate ung party. Pag siguro marunong na sya mag appreciate at kaya na nya makipag sabayan sa games ayun mag.paparty na kami.
For me gusto ko ibigay ang bongang birthday para sa anak ko once a lifetime mo lang ma celebrate ang 1st birthday niya. Kung anu kayo niyong ibigay para sa anak niyo. Kung ako lang ang may kaya sa buhay bigyan ko ng magarbong birthday.
Simple. Not only para makatipid kasi iba iba tayo estado sa buhay. But I’d like to celebrate such occasions with close family members only. Just like i do during my birthdays but it’s your baby and family so it’s up to you.
Kami ng asawa ko simple lang kasi hnd pa nman nia yun maappreciate. Siguro sa bahay lang family lang. Saka n kmi magpaparty pag mga 3 to 5 na siguro. Yun matatandaan n nia na party nia yun. Yun ay opinion ko lang nman po. :)
It always depends on your budget mommy. Kung walang budget, kahit simpleng handaan lang kasama family. Kung may budget naman, bongga dapat syempre kasi first birthday yan eh.