sino preggy dto n hinde kasal kamusta naman kayo din
ano feeling naten mga sis. got pregnant dn na hinde kasal eh. so kamusta si nakabuntis sainyo okay ba treatment sayo now?

Sobrang okay, masaya and nagmamahalan kami kahit nabuntis ako ng boyfriend ko agad and di kami nagsasama. At kahit di pa kami magpapakasal, dahil alam naming hindi pa kami ready financially due to some personal reasons namin ay okay lang sa amin. Di naman kasi namin minamadali lahat ng bagay eh. Gusto kasi namin na bigyan pa ng oras mga sarili namin na gawin muna mga gusto namin at kilalanin ang bawat isa ng mas mabuti. Oo sinasabi ng iba na gumawa-gawa kami ng bata tapos sasabihin ko di pa kami ready. For us, meron kasing binibigay si lord sa ating surprise gift na di natin matatanggihan and kailangan nating tanggapin at panindiga kahit di pa tayo ready, at yun ang baby lablab ko 👶. Pero alam naman namin na di naman porket nabuntis ako eh kailangan namin agad magpakasal. Dadating naman yung oras na magpapakasal din kami pag ready and settled na lahat ng bagay para sa amin. Iprioritize muna namin needs ni baby for now. Sana after 3-5 years makapagpakasal na rin kami 😊❤
Magbasa pa


