Anonymous Confessions: Prangkahan na...

Ano ang gusto mong sabihin pero hindi mo magawa dahil takot kang ma-judge or takot ka sa consequences kapag sinabi mo ito?

Anonymous Confessions: Prangkahan na...
43 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Gustung-gusto kong ayusin tayo, maibalik tayo sa dati. Pero hindi ko matanggap na kahit naging loyal and faithful ako sayo paulit-ulit mo akong sinasaktan. Oo alam ko never ka nambabae. Alam ko ring mahal mo kami ng anak natin. Pero ung paulit-ulit mong iparamdam sakin na balewala ako, na mas importante sayo ang ibang tao at bagay tapos sakin mo isisisi? Ilang beses sa ilang taon nakikiusap ako sayo na ayusin na natin, na bumalik na tayo sa dati pero marami kang dahilan na kesyo hindi na maibabalik ung dati and that I should stop living in the past at tanggapin ko kung ano na ngayon. Ngayon ako ang nagkaka ganito ikaw naman ang may gustong bumalik tayo sa dati. Paano pa tayo babalik sa dati kung napagod at nagsawa na ako nang tuluyan? Paano pa ngayong hindi na kita mahal? 😔

Magbasa pa
6y ago

ang lungkot naman neto 😭