Anonymous Confessions: Prangkahan na...
Ano ang gusto mong sabihin pero hindi mo magawa dahil takot kang ma-judge or takot ka sa consequences kapag sinabi mo ito?


well, ang masasabi ko lang yung nagbaba ng memo saamin na ung willing daw mag "donate" pero kaltas sa sahod namin. Ang alam ko pag willing, ung bukal sa loob hindi ung sapilitan. Kaso bawal umayaw lahat magbibigay., wala naman magagawa, natawa lang ako sa post sa FB na ngdonate ung uniformed personnel, di alam ng iba na napipilitan lang ung kinaltasan. Kaya ung second wave ng SAP galing sa sweldo ng Military at uniformed personnel. Kala namin kami ang bibigyan ng hazard pay, kami pala ang magbibigay ng hazard pay namin. Puro lang hazard, walang pay..
Magbasa paNaiisip pa rin kita kahit wala naman tayo. At nararamdaman ko ganon ka rin sakin. Gusto ko malaman mo, alam mo at alam ko na parehas na tayo committed kahit wala tayong sinasabi. Gustong gusto ko malaman mo kahit di na tayo nag uusap. Na gusto kita, at masaya ako sa mga oras na nagkausap tayo. At maraming salamat sa memories na pinaramdam mo na di ako nag iisa. Alam ko mali kasi may anak at pamilya na ko, kaya nga di na tayo nag uusap. Pero kung may chance man, gusto ko lang sabihin talaga na gusto kita at miss na kita.
Magbasa paTo my sister in-law. I know your a shy type person pero sana maging honest ka sa nararamdaman mo sa akin kasi nagstastay tayo sa iisang bubong. Never akong nag jealous sa mga bagay na meron ka, sana ganun kadin sa akin. Sana walang gayahan ng damit pag namimili, sana walang gayahan ng mga bagay na meron ako. Sana maging honest ka kung galit ka sakin sabihin mo di yung di ka magsasalita/ iimik at laging nakasimangot. Sana tumulong ka din sa gawaing bahay kasi buntis ako now sana maging tutuo kang tao. ๐๐
Magbasa paAng respeto, inaani. Di ko yung basta basta maibibigay sainyo kung ako di mo din nirerespeto. Ipagkakalat mo pa ng inaalila ka? Maghapon ka ngang nakahilata! Tignan mo naman yang katawan mo sa katawan ko myghaaaaad! Nung kinasal kami ng anak mo, ang taba ko ngayon buto balat na ako HAHA. Magsasaing ka lang sa umaga, magluluto lang ng almusal ginagawa mo! Alila na?! Edi ba ina ka? Bat di mo magawa para sa mga anak mo?! Ah kasi di mo ako tinuring na anak. Katulong ganern dibaaaa? Mga chismosang kristiyano kuno.
Magbasa paNa sana magising na ang mga DDS na walang kuwenta ang presidente. Matatapos na ang ECQ, wala naman talagang plano kung paano babangon ang ekonomiya, paano ang mass testing, paano yung mga nawalan ng trabaho at mawawalan ng trabaho, at paano kung dumami pa ang magkasakit. Puro NPA laman ng speech niya. Wala namang solusyon. Nag lockdown ng dalawang buwan pero wala, kinulong lang tayo sa bahay at palalabasin ng bahay nang walang kasiguruhan na kaya tayong tulungan kapag nagkanda leche leche na talaga.
Magbasa paWow so you mean to say 0 case na ang Vietnam? Oo maliit ang number of cases nila pero naisip mo ba na isa sa reasons kung bakit lumobo ang number ng confirmed cases dito sa Pilipinas e dahil din sa katigasan ng ulo ng mga Pilipino? Bakit kontrolado ba ng gobyerno ung katigasan ng ulo ng mga mamamayan? Kahit mang threat na nga ang gobyerno dedma pa rin ang Pinoy, e. Tapos isisisi mo lahat sa gobyerno? Engrata ka. Wag mo sabihing wala kang natanggap na kahit maliit na tulong galing gobyerno sa panahong to
Buhay ko to kaya wala kayong pakialam kung ano man gusto ko gawin. Kung tanghali man ako gumising or lagi ako nakahiga wala kayong pake kasi hindi naman kayo ang nagpapakain sa akin. Buntis ako kaya madami akong nararamdaman na iba ibang sakit o mimsan bigat. Buhay nyo pakialaman nyo. Kung paano nyo bbuhayin ang mga anak nyo ng walang work ang padre de pamilya nyo,wag ako ang pagdiskitahan at nananahimik lang ako. Wag nyo ko punuin!
Magbasa pasana maramdaman ko naman yung pagpapahalaga mo saken o kahit manlang ma appreciate mo ako bilang nanay ng anak mo kร hit hindi na bilang girlfriend mo. ramdam na ramdam ko yung pagbabago ng pakikitungo mo saken, may mga plano ka na hindi ako kasama kundi dalawa lang kayo ng anak mo. Ako ang naghirap ng siyam na buwan at pagluwal kaya kung magpapatuloy tayong ganito maghiwalay nalang tayo pero dimo makukuha ang anak ko.
Magbasa paFeels ๐ข
Hindi retirement plan ang anak. Meaning, kailangan mag-ipon ng mga magulang para hindi sila aasa financially sa mga anak nila pagtanda. Ok lang tumulong ang anak sa magulang. Pero hindi sa point na sakanya lang nkadepende lahat...dahil mahirap sa part ng anak na magsimula ng buhay pamilya kung umaasa pdn ang mga magulang (at kapatid) sakanya.
Magbasa paAng dami palang admin supporter dito. I have a few questions. 1. Anong kailangang mangyari para magalit kayo o kuwestyunin man lamang kung para sa ikabubuti ba ng bayan ang ginagawa ng gobyerno? 2. Madali niyong i-point out ng mga kamaliang nangyari sa mga nakaraang administrasyon. Bakit wala kayong makitang ni-isang mali sa kasalukuyang administrasyon?
Magbasa paGaano ka nakasiguradong wala kaming nakikitang mali sa ginagawa ng gobyerno ngayon na kahit isa lang? Nababasa mo isip namin? Sorry ha pero kahit mag compare ka pa buong buhay mo between the current president and the past presidents after Marcos wala silang kwenta lahat kumpara kay Duterte. Oo marami syang nagagawang kagaguhan pero MAS marami syang nagagawang mabuti.
To my husband. I know you liked her. It hurts when I just knew this after giving birth to our chils. I suddenly mentioned her name just to check if you still have feelings for her and I saw how your facial expression changed quickly. Yes, it bothered me to the point I cant properly sleep at night. I just cant believe how I thought you're faithful to me.
Magbasa paI feel you...it hurts
The Asian Parent PH - Head of Content | IG: @candiceventuranza