tama ba?
Brief background: Nagiisang anak na lalaki ang asawa ko at 3 silang magkakapatid. Bunso sya. Yung eldest sister nya may sarili ng pamilya at tirahan. Yung ikaawa single pero may sarili na ding bahay-old maid. Nakatira kami sa bahay nila hubby pero kaming dalawa lang at ang mama nya nakatira sa bahay ng old maid nyang ate. Sabi ng mama nya noon bago umalis dito, kay hubby daw tong bahay na to at talagang nakalaan na para sakanya. Kaya d namain kailangan umalis. Present time: Kaming mag asawa lang dito sa bahay. Ang siste kasi halos araw araw lang andito ang mama nya. At hindi mam lang kumakatok o nagpapramdam ng presence nya pag nandito. Minsan magugulat na lang kami kasi nasa likod lang pala ng bahay o minsan may iniiwan na pagkain sa kusina na katabi lang ng kwarto namin. Medyo naooffend lang ako though wala akong karapatan kasi originally bahay nila ito at di akin to. Kahit kelan d maggng akin. Ang pu to ko sana ipaalam man lang nya kahit katok lang o ano na nandto pala sya. Pano pala kung naglalandian kami ng asawa ko tas di namin alam andyan sya at naririnig kami, kasi d namaan kalakihan yung bahay. Tulad na lang kanina. And to think na di kami ok kasi kung ano ano istorya at misconception ang pukol nila sakin. Tama ba na mainis ako sa ganong ugali na kahit san hindi sakin kahit sa asawa ko man lang, kumatok sya o umigaw na hoy may tao dito andito ako. Atleast alam namin na nandyn sya.