Paniniwala ng matatanda

Ang sabi nila bawal daw ibabad ang damit ni baby dahil magiging sipunin daw ito. Lagyan daw ng sinulid ang noo kapag sinisinok(hiccup) si baby. Lagyan daw ng margarine ang gilagid ni baby para daw hindi maging maselan ang pagpapatubo niya ng ipin. Lagyang ng bawang, asin or lumang bala ang bintana, para pangontra daw sa aswang. Kayo mga mamshie, ano ano ang mga paniniwala ng matatanda sa inyo? Yung huli ginawa ko, may bawang sa bintana ? wala namang mawawala hehe.

14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Yung pinausukan si babh kasi lagi sya nagugulat. Sabi ng fam ni lip ganon daw yun para mawala namili sila ng ensenso tsaka tinawasan si baby. Haha. Di naman nawala ang pagkagulat ni baby. Normal lang naman sa knila ang magulat kasi 1month pa lang sya nag aadjust pa sila. Pero again. Walang masama khng maniwala.

Magbasa pa
VIP Member

Sa anak ko ginawa ko yung lawayan pag nausog. Napaglihihan ko kasi yung anak ko tas nag lbm at suka siya tas nilagnat pa. Nung nilawayan ko nawala agad yung mga symptoms nya.

2 , 3 and 4 pinagagawa ng byenan ko .. Ung number 1 kse ang pamahiin nya wag daw pipigain ung damit ng bata dahil mgging pala unat or prang namimilipit lgi 😂

VIP Member

Takot ako sa aswang. Yun lang. Pero palaspas lang nakalagay dito samin. The rest, Kausapin nyo mga PEDIA nyo. Kung anong connect ng mga yan.

Magbasa pa
VIP Member

Lola niya Ginawa niya yan sa anak ko kapag sininok lalagyan ng sinulid sa noi ... ako naman hindi naniniwala sa mga ganyan hahaha

hindi ko natry yang lagyan ng margarine ang gilagid ni baby..ngayon ko lng yan nalaman..hehehe..matry nga, wla nmn mawawala ehh..hrhe

4y ago

Kaya nga. Its just a kasabihan. Oily ng margarine, ilalagay mo sa gums ni baby? REALLY? Healthy ba si margarine? To make pahid pa sa gums ni baby? Absurd. Haha Wala naman nagpatunay, tungkol sa pagka maselan. Mismong katawan ni baby ang mag sasabi kung san sya maselan o hindi. Allergy o kung anuman. At oral hygine din para sana kay baby.

VIP Member

Nakikita ng byenan kong babae na laging nakalabas ang tyan ko dhil sa sobrang init paglabas dw ni Baby magiging sipunin dw

4y ago

Ako din ee kaya sabi ng byenan ko paglabas dw ni Baby sipunin 😅 wag naman sana

Yung lagyan ng sinulid sa noo ang baby pag sinisinok , ginagawa co yan .. Pedi rin maliit na papel .. 😅😅

Wala ako ginawa jan kahit isa. Prayer is enough kung takot ka sa safety ng baby mo ❤

lahat yan ay pawang kalokohan lamang hahahaha kasabihan ng mga gurangerz