Hello. Mag usap po kayo ng hubby niyo about money matters. Hindi po yan nasosolve kung hindi pag uusapan. Masyadong sensitive pag usapan pera.
Share ko lang din situation ko, ofw asawa ko at may sarili naman akong work. Mas malaki income nya pero hindi ko alam kung magkano sweldo nya. Wala din syang idea sa sahod ko. Pareho kaming nag iipon, at magkaiba kami ng passbook at savings account.
Basta malinaw samin na every month magreremit sya sakin ng pinagkasunduan budget namin (ex. 30k every 10th of the month) So far wala naman kaming naging problema. Never kami nag away sa pera. 3 years na namin set-up yan.
Anonymous