kalungkot

ang lungkot lungkot ko ngayon. simula nung nagkanya kanya kami ng mga kapatid ko ng tirahan (binenta kasi yung bahay na tinirhan namin), dun na ko sa boyfriend ko tumira. Hanggang sa nanganak ako at almost 2 months na si lo. Ngayon, yung kuya ko kumuha ng rentang bahay para samin daw ng isa ko pang kuya kasi gusto niya may bahay pa kaming uuwian magpapamilya. Sabi sakin ng kuya ko, wag ko raw subukan gawing live in house etong nilipatan namin. In short, di na kami sa iisang bubong ng tatay ng anak ko. Nalulungkot lang ako kasi wala akong magawa. Wala akong trabaho. Ako ang tinutulungan kaya wala akong karapatan magreklamo. Ang sakin lang, parang iniiwas ng kuya ko kaming magina sa tatay ng anak ko. (oo ayaw ng kuya ko sa boyfriend ko) Naiiyak na lang ako kasi di ako sanay magisa. Lalo nat 2 months palang anak ko. Di ko pa kaya ng ako lang nagaalaga. Ako lang lagi dito magisa kasi yung kuya ko may trabaho rin. Para bang nawalan ako ng kasangga. Masaya ako sa boyfriend ko at sigurado akong mahal niya kaming magina. Alagang alaga niya ko di niya ko hinahayaang mapagod, magutom. Mamimiss ko yung araw araw siyang kasama. Ngayon dalaw dalaw nalang. :(

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mainam po kung ung BF mo ang bubuhay sainyo at ibubukod kayo.. dpt naman po tlg pag may pamilya na dapat po tumayo sa sariling paa, bumukod kayo para po malaman nyo dn mahirap po umaasa.. magwork c BF mo po then ikaw po alaga ke baby mas mainam po un kesa kung ano lang po gusto ng kuya mo e un masusunod.. bukod nlng po mas ok

Magbasa pa