pwede kaya ako humingi ng sustento sa ex live in partner ko?

hello mommies ,pwede kaya ako humingi ng sustento sa ex live in partner ko kahit pinagbubuntis ko palang yung anak namin? wala po syang trabaho ngayon dahil hindi po sya makapag hanap ng trabaho dahil sya yung nag aasikaso ng negosyo ng kuya niya. 5months pregnant po ako going 6months nextmonth. hindi po sya nagbibigay sustento since day 1 at pinuntahan konadin yung bahay nila nakipag usap ako ng ma ayos pero hindi sya nakipag usap sakin kaya kamj ni mama nya ang nag usap at sabi ng mama nya wala daw sila maibibigay dahil walang trabaho yung anak nya. tama po ba yung sagot niya? eh pano makapag hanap ng trabaho yung tatay ng anak ko kung sya yung nag aasikaso ng negosyo ng kuya nya. nagsusugal pa nga at gumagala yung tatay ng anak ko pero kahit singkwenta pangdadag sa prenatal ko walang naibigay. ang dami konadin na igasto nung dinala ako sa ER dahil nag threatened abortion ako sa sobrang stress ko pero walang pki alam yung tatay. pa help po ako mommies saan ako pwede magsumbong? bacolod po ako tapos sya taga iloilo.

pwede kaya ako humingi ng sustento sa ex live in partner ko?
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kaya mo yan mamsh. Mahirap pilitin ang taong iresponsible. Isa pa po ang alam ko po...kung hindi po kayo kasal wala ka pong legal rights po na pilitin siya mag sustento...di katulad po pagkasal kayo pwede po mareklamo. Wag ka po masyado ma stress. Isipin mo po si baby mo. Pray lang mamsh. Maraming mga single moms dyan na nagawa naman nilang palakihin at itaguyod mga anak nila kahit walang sustento galing sa tatay.

Magbasa pa

kung ako sayo di nako maghahabol sa walang kwentang tatay ng anak ko. kakayanin mo yan maraming single moms dyan na di naman kinailangan ng sustento ng tatay ng anak nila. nagawa naman nila kasi ginusto nila.. wag mo na pababain sarili mo at stress-in pa. iresponsableng lalaki yung kinasama mo so wala kang makukuha talaga kung ayaw nya.

Magbasa pa