NAKAKAINIS

Ang lakas magdemand ng LIP ko na ibreastfeed si baby. Pero wala naman sya alam ipakain sakin kundi instant foods kahit may pera tinatamad sya bumili. This morning nagluto ako ng breakfast ko, sabi ko hawakan nya muna at kakain ako. Ang ginawa naman nya naglaro sa CP nya kahit umiiyak na anak ko! Nagpintig tenga ko nung marinig ko sinabi nya " Umiyak ka muna jan anak naglalaro pa si daddy " Tangina lang! Ako napupuyat kakapadede at kakaalaga kay baby tapos sya di nya ako mabigyan ng oras para kumain lang! Everyday na kami nagaaway dahil sa CP nya ang sarap basagin sa totoo lang! Nagsosorry sya araw araw pero inuulit namN din ARAW ARAW!

72 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Tingin ko, hindi pa ready maging tatay yang partner mo. Kung may pake yan sayo at sa anak mo, hindi yan ganyan. Ni hindi kayo kayang alagaan, isip bata pa kung baga. Mahirap yan. Kausapin mo ng masinsinan. Baka sakaling makinig at mahiya naman. Isa pa, hindi healthy sa nanay na nagbbreastfeed yung mga instant foods since yan din yung nattake ni baby pag dumede sya sayo. Better have some vegies, fruits and meats. Wag noodles, de lata, etc. Magiging sakitin anak mo.

Magbasa pa
5y ago

Mga feeling binata.. Hindi nila alam kung anu mga nararanasan natin .. Hindi cla makaintindi kung anu ang hirap..pagod at sakripisyo na dinadanas every nanay in the world.. Yung tipong kukunin lang sayo ung bata pag alam na nila na galit na tayo.at pag pinagsabihan na cla tas kinabukasan ganun na ulit..tas wala kang madaingan ng pagod mo.. At un na rin ung mga dahilan kung bakit nagaaway na kayo nakakainggit ung mga lalaking kahit pagod may time clang magpakatatay para sa anak ang laki na po ng tulong samin nun .. At ang sarap pakinggan sa mga lalaki na bibigyan ka nila ng time para matulog at cla muna ung magaalaga nung bata..