Nakakastress :?

Si husband ko kasi puro nalang Mobile Legends ang iniintindi. Si lo umiiyak na pero hindi nya mabitawan ang cp nya dahil sa ML na yan habang may mga bagay din naman akong ginagawa hays. Then buing maghapon yun na lang ginagawa nya tapos magrereklamo sya sakin na hindi sya makatulog sa madaling araw kapag nagigising si lo. Nakakastress na mga momshies di ko na alam gagawin ko ???

77 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pwd ka mag rant sa kanya momshies. Mag open ka sa kanya. Sabihin mo yung mararamdaman mo. I open mo sa kanya yung stress mo. Wag mong sarilinin. Minsan kasi ang mga lalaki hnd nila gagawin kung hnd mo sasabihin. Hnd nila malalaman na stress kna kung hnd mo sasabihin sa kanya. I'm thankful that I'm not experiencing what you are experiencing right now, but I'm praying for you na ma overcome mo ang situation mo right now. Let him realize na sya ang cause ng stress mo. Do not forget to takecare of your self as you takecare of your baby. Sending hugsss and prayer momsh. God bless.

Magbasa pa

Ako dati naadik rin sa ML, yung tipong liit lang talaga ng tulog ko nung nag boboarding pako. Kaso nung umuwi nako sa bahay at nag ML ako tas biglang kakain na kami GG talaga ML ko kasi nagagalit talaga papa ko pag makita parin nyang hawak2 ko Cp ko.kaya ayun nawalan nako ng gana sa ML kasi palaging na AFK. Hahah. Gawin mo nalang, siya palutuin mo . Kung di sya nag luluto dahil ML padin ikaw na magluto tas wag mo syang lutuan para sya magluto para sa sarili nya,wag mo din syang pansinin pag may hinihingi syang pabor para sya mismo gagawa.haha

Magbasa pa

akala ko ako lang ung may ganyan na asawa. ganyan na ganyan asawa ko. halos di na ako makapag cr kasi lagi ko bitbit si baby which is 2 months old pa lang. nasanay kasi sa karga. kahit katabi na nya baby ko na nagiiyak na di man lang nya kargahin o patahanin deadmahin lang nya. tapos pagkauwi ng trabaho mag ML agad sya hamggang madaling araw tapos magreklamo masakit ang ulo at puyat. sobrang stress na ako sa baby ko tapos di pa nya ako tulungan. grabe talaga yang ML na yan. may pabg load para sa ML pero pambilj diaper wala. haaay

Magbasa pa
VIP Member

Buti nlng momsh d nahilig sa mga ganyan ang hubby q momsh sa gym lang sya nahilig kaya natutulongan pa nya aq sa baby..Pag denel8 mo din kasi baka yan pa dahilan ng pag aaway nyo..Subukan nyo po na paconsyenxahin kunwari kung d na xa halos makakain ng maayos dahil naglalaro subuan nyo at sabihin mo baka malipasan ka ng gutom kaya subuan nalng kita ..Kahit naiinis ka sa kanya pigilan mo lng muna pag sinubuan mo sya...Kahit sino sa atin pag ganyan nakakainis talaga yan..

Magbasa pa

LIP ko naman grabe din makapsg laro ng NBA sa xbox pero ako kasi firm ako pag nagalit ako bahala sya sa buhay nya, kaya pag sinabi kong stop na sa paglalaro titigil talaga sya, alam nya rin naman limitations nya dahil mag aaway kami talaga. Ipakita mo lang na hindi mo na talaga gusto ginagawa nya matatakot yun. Wag mo pong sanayin. O kaya wag mo ding pansinin pagkakain kayo ang ihain mo sa plato nya cp at charger.

Magbasa pa
5y ago

natawa ako sa comment natu.gusto ko to...hehe tama charger at cp ipakain pra titigil

Napakawalang kwentang mga lalake yung ganyan! Puro tira lang ng tira gusto! Pag andyan na ung bata iaaasa na lang lahat sa babae ang pag aalaga at asikaso!!! Sila puro pasarap, Ang Sarap tsinelasin ng pagmumukha sabay ipalunok sakanya!!! Kapal ng mukha nyo mag alaga naman kayo huuuuy! Dapat sa inyo kayo paanakin eh, para ok lng na kami mag alaga buong araw.. Kagigil!

Magbasa pa

Hubby ko rin nag lalaro sya pero hindi ML. Pero nag set kami ng play time nya, pero kahit play time nya nauutusan ko pa rin sya. Mag usap po kayo my ipaintindi nyo po sa kanya ang mga bagay2x. Kahit nung hindi pa ako buntis nag set na po talaga kami ng play time ni hubby. Pinag uusapan po namin lahat ng bagay mommy para nagkakasundo kami at magaan po ang gawain.

Magbasa pa

Hay nako asawa ko kahit may pinag bibisihan basta anak na ang usapan tigil lahat ng ginagawa. At sya rin bumabangon ng madaling araw pag naiyak baby ko nun at nag papa dede. Pag nag kakasakit nga anak namin mas nakikita ko nag wowory sya kasi todo asikaso sya sa anak namin. Yang asawa mo pakausap mo sa magulang nya mag sabi ka sa nanay nya ng mapag sabihan.

Magbasa pa

Pag usapan nyo ng asawa mo,dpat isa senyo gising sa madaling araw or tulungan k manlng nya pag nagising baby nyo sa madaling, wag kamo sya magfocus sa ML kasi hndi nmn importante yan, mas mahirap kz kung magkapostpartum tayo mas delikado, dpat aware ung asawa mo jan, ung hubby ko sobrang maalaga at npakaresponsable kasi aware sya sa pospartum depression.

Magbasa pa

Kausapin mo po cya kong anong priority nya sa buhay ang mag ml or yong anak nyo po. Okay lang naman gawin nya yan kong binata pa cya pero may asawa at anak na kasi cya kaya dapat ilagay nya sa lugar ang pag lalaro. Pwede cya maglaro kong tulog ang bata or may ginagawa yong bata. Kasi di rin magandang halimbawa sa bata na hawak hawak nya yong phone.

Magbasa pa