Rant

Ang hirap kapag masyadong sabik sa apo yung nanay ng partner mo. Gusto nyang mangyari itabi sa kanilang mag asawa si LO ko. Parang ang unfair naman sakin nun. Tapos kapag pinapalitan ko ng damit si baby lagi nyang inaagaw, sya na daw. Sya gumagawa lahat kay baby ako tiga bantay lang. Okay naman sakin atleast di ako napapagod kaso lang baka yun yung isumbat nya sakin pag nag kataon. Ps. Simula po kasi nung nanganak ako katabi namin sya matulog ni LO. Tas ayun nga gusto nyang mangyari ipunta na si LO si kwarto nilang mag asawa. Yan po yung pic nila. Hindi ko manlang makatabi si baby.

Rant
25 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kaya mo yan sis, pray and kausapin mo nalang si husband. Maganda nakabukod, pagusapan nyo. Alam ko sabik ka lang den alagaan baby mo, minsan lang sila maging baby, d na mauulit. Wag ka nalang masyadong mastress, makakasama sayo yan. NAWA maging ok na kayo ❤

Magbasa pa

Kng ako sguro ok lang yung papalitan nya damit pero yung mag co'sleep sila with my baby hindi ako payag. Hehe lalo na exclusive breastfeed baby ko. Dpat pati nasayo lagi si baby para mafamiliarize si baby sa amoy mo mamsh..

Ako di pa lumalabas si baby, lagi sinasabi sakin ng Mommy ng hubby ko saka mga Lola. Pahiram daw, pahiram daw. Hahaha. Di ako sumasagot pag sinasabi yun, ngumingiti lang ako ng very light.

sana lang wag mangyri ito sa akin dahil pag ginawa to, di na ako magpapakita ever sa knila at mas lalo di nila makikita apo nila. bahala sila jan🤣

VIP Member

Nako kung ako yan wala muna ako palalapitin gagamitin kong dahilan may covid pa po pasensya na mabuti ng maingat kesa magsisi sa huli

Ok lang yan. Be thankful na lang kase anjan sila para tulungan ka. Pag kaung dalawa na lang ni baby dun kau mag mommy and lo time. 😊

5y ago

Hindi kami makakapag mommy and lo time. Kasi nanay din ng partner ko katabi nya sa pagtulog. Katabi kasi namin sya ni baby matulog tas yun nga gusto nyang mangyari na dun na sila sa kwarto nilang mag asawa 😞

Buti ka pa nga. Eh ako buntis na, may toddler pa. Pano nalang kaya pag dalawa na. Feeling ko tatalon nalang ako sa tulay! Hahaha

4y ago

Ms. RYK, kaya nyo po yan, pray to God and isipin mga blessings ❤ You are a blessing!

hayaan mo na sis, kapag tumatanda talaga namimiss rin nila mag-agala at syempre excited sila sa apo nila.

same tayo. ganyan din nararamdaman ko. gusto niya siya palagi may hawak sa baby ko. 🙄

5y ago

ay nako sis. yung sakin naman nung kinukuha ko yung baby ko sa kanya hindi niya binigay sakin dalawang beses ko kinuha pero di niya binibigay.

Maswerte kpa sis.. may katuwang ka sa pag aalaga at mahal na mahal ng MIL mo ung anak mo

5y ago

Haha grabe naman pala sis.. ikaw pa ung parang nanghihiram sa anak mo, pag kinausap mo naman baka sumama loob at baka madamay pa c baby. cguro namiss lang nila na may baby gustong gusto nila anak mo