MIL problem

Okay naman MIL ko. Mabait naman sya. Naiinis lang ako minsan kasi feeling ko ang dami nyang sinasabi about sa mga bagay na ako ang bumibili para kay baby. Feeling ko nakikipagcompete sya. Ang daming gamit ni baby dito na hindi nagagamit. For example yung crib na binili ng sister ko for my son, sabi nya di pa sya pwede dyan. Tapos yung duyan na binili ko sabi nya "binilhan ko si *yung isa nyang apo" ng crib na pwede mo iuugoy parang duyan. Sobrang tagal na nakatago nun kaya nung pinalabas nya sobrang dumi na. Pinalinis naman nya agad. Ngayon yung mga binili ko ang nakatago yung mga binili nya dati na pinaglumaan ng mga iba nyang apo ang pinapagamit sa baby ko. Pati sa mga teether ganun din. Ang dami ko na teether na binili na di nagamit... pinabayaan nya si lo na ung kamay ang isubo at kagatin. Tas bilhan ko daw ng gerber si lo na kaka-6mos lang. Sabi ko mas gusto ko na fresh fruits and veggies and gagawin ko nalang puree. Ginawa naman daw yun for babies. Natatakot din ako iwan sakanya baby ko minsan kasi ang dami nyang paniniwala na makaluma. Like nung newborn pa baby ko, sa right side lagi natulog... lagyan ko daw ng laway paggising sa umaga yung left part ng neck nya. Pati ngayon na nag-teething si baby, lagyan daw margarine gums pag nangangati. Tapos parang naiinis sya pag pinapaliguan ko si baby every Friday. Aside from that mabait naman sya and tinutulungan ako sa pag-aalaga. Di ko tuloy alam pano magrereact everytime na may inaadvice sya na gawin ko pero alam ko sa sarili ko na di ko gagawin. Advice naman pano ko irereject advice nya na di sya maooffend. Thank you.

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

whats best mommy, bumukod po kayo. sometimes we overthink lang po sinasabi ni MIL, my MIL sobrang madami din pong comments sa mga ginagawa ko kay baby sa gamit even if nakabukod na kame if hindi mo naman bet gawin dont do it kung sa tingin mo okey then go. >ung margarine/ butter na ipapagid sa gums for me effective siya hindi masyado nagselan anak ko nung nagngingipin same sa iba nyang apo< we can talk to them naman po if open kayo or sa husband mo magusap kayo I was very thankful sa MIL ko kase lakinh tulong nya sa akin with my panganay kahit feeling ko mas love siya ni baby 🀣pero its just emotions and postpartum Now with my bunso hindi nya ako natulong kase nakabukod kame hahaha sobrang pagod and nadedepress ako not enough sleep at all πŸ€¦β€β™€οΈπŸ€¦β€β™€οΈπŸ€¦β€β™€οΈ

Magbasa pa
VIP Member

Best sana mommy if makakabukod kayo para maiwasan yang pakikialam ni mil. Syempre sa isang bahay isa lang ang reyna at kung magkasama kayo sa iisang bubong sya ang reyna dyan. Although ikaw pa din ang nanay at ikaw ang masusunod sa anak mo.. di maiiwasan ang di pagkakaintindihan lalo’t iba ang paniniwala ng mil mo. Ano bang stand ni hubby sa mga nangyayari? Baka pwede sya na magsabi sa mom nya na hayaan ka na lang sa diskarte mo.

Magbasa pa
VIP Member

Maganda kumuha ka ng kasambahay at ibilin ang mga dapat. Kausapin mo mr mo na kausapin nanay niya. Rules mo masusunod. Kung ayaw mo ng ganun, mas maganda umalis kayo sa kung nasan ang mil mo para iwas gulo. Hanggang iisa bahay kayo, magulo talaga.

Mag-usap kayo ng husband nyo po kung paano nyo ioopen up sa kanya. Sya naman yung anak, mas ok na sya ang kumausap. Mas ok sana kung makabukod kayo pero if not, dapat maunawaan ni MIL na kayo ang magulang, kayo ang may final say.

Mommy, your baby, your rules. Explain mo na lang po maayos sknya.