Ang dami ko pong struggles sa anak ko na 3 yrs old and 7 months. Una, napakahina kumain as in kahit ano ibigay mo. Humina na rin sya magdede ng milk last month kaya medyo nabawasan ng timbang although di naman sya underweight. Dahil malakas pa rin sya dumede at mahina kumain, hirap sya mag poop. Ni ayaw umupo sa potty. Constipated sya lagi kasi nga puro dede lang at tamad din uminom ng tubig. Hay jusko di ko na alam ang gagawin. Etong asawa ko nakakabadtrip din laging pinapagalitan ang anak ko pag ayaw kumain at magpupu. Pag ayaw matulog pinapalo din. 😣

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hindi na po need ng milk if lagpas 1yo na si baby unless breastfeed. Pwede po offer nalang kayo freshmilk pero sa cup. More on solids na po dapat. Keep on offering food, pag ayaw kainin hayaan nyo lang po. Wag nyo din bigyan milk. If gutom yan, kakainin nya ang hinain nyong pagkain.

Kaya hindi sya kumakain kasi alam naman nyang bibigyan nyo sya ng gatas