fight or flight?

almost 2 years na kami ng bf ko. may 3 months old baby na kami. late ko na nalaman na he has been cheating on me throughout our entire relationship. from the start of our relationship, he's been contacting his ex saying na mahal na mahal pa nya ito. been meeting with other girl "friends" behind my back. and pag nag aaway kami, nabasa ko sa fb nya na nag hahanap sya ng ka one night stand. sobrang daming kasalanan sakin ng bf ko. everytime he cheats, iniinsist nya na akk yung nag chcheat saming dalawa. takot sa sariling multo, sobrang praning nya. sya ang nag rereply sa mga nag chchat sakin sa fb, he keeps unfriending guys from my friendlist (kahit yung classmates/ naging classmates, friends, and mutuals namin pareho). sobrang toxic nyang tao. i tried my best para intindihin nalang sya para walang pag awayan. when got hired sa work nya, nagkaron sya ng flirtmate don. nung kinausap ko sya about don, sabi nya kasalanan ko kasi nagagalit daw ako sa kanya pag late sya nauwi and that he lacks inspiration in me kaya dun sa girl nya hinahanap. nag away kami about don, ewan ko kung galit na galit ako or hormones lang pero umabot sa point na nagkasakitan kami. i was 8 months pregnant that time. yet sinasaktan nya parin ako. fast forward manganganak na ako. 1 am di ako maka tulog kasi i was in labor. sobrang sakit ng contratcions ko natually ginigising ko sya kasi nag woworry ako. di ko alam na manganganak na pala ako. nagagalit sya kasi inaantok sya so di ko sya maistorbo non. nag labor ako magisa. sobrang hirap pala nung walang nasuporta sayo, no one to help you. hirap na hirap ako and yet he's sound asleep. hanggang sa nanganak na ako. kakauwi ko lang galing ospital tinadyakan na nya ako kasi may pinag awayan kami non. pina aasikaso ko sa kanya si baby kasi naiyak, nasakit pa tahi ko kaya pinakisuyo ko muna sa kanya. months passed and may pinag awayan nanaman kaming babae. before pa non, meron pa ulit. hanggamg sa sinapak nya mukha ko. nagka blackeye ako, and still recovering from ppd. at this point wala na akong maramdaman love. puro galit nalang. and it worries me. kasi ayoko lumaki si baby na walang daddy. pero wala na yung love. for our baby's sake nalang kaya di pa ko nakikipag hiwalay. and ngayon nagagalit pa ako pag clingy na sya sakin kasi nandidiri na ako. iba na yung feeling ko towards him. sabi nya mag babago na sya pero on the looks of it, wala naman nag babago ?. what should i do? makipag hiwalay naba ako? or should i keep my family together for our baby's sake and sacrifice my happiness. thank you sa makakapag advice ?

24 Replies

momsh, di na dapat tinatanong yan. by reading your post. actually napastop ako sa labor mo e then ung panganganak. mahirap maglabor. that one palang sana inalalayan ka na nya. ako naglabor ako ng 9pm hanggang 6am, kasama ko hubby ko. gising sya. kinukulit na nga akong pumunta kami sa hospital pero di pa naputok waterbag ko. then tadyak pa after delivery? putek yan momsh. sorry for the term. wala ng tanong tanong. I understand that you want a complete family for your baby. pero kung lalaki syang nakikita nyang sinasaktan ka ng sarili nyang ama, won't that be also a much bigger trauma for him? A promise na pagbabago is not always coming true. mas maganda ng di nya sabihin na magbabago, at gawin nalang nya, ipakita. You can find more man to love you and your baby. wag kang pakukulong jan sa kelangan buo ang family. di na rin naman bago sa generation natin na most moms are single just because. wag mo na po hayaan yan momsh. get out from that. maawa ka sa ssrili and and sa baby mo

lau kna po..maraming beses kna sinaktan hnd lng s damdamin pti physical.. ung 1 pananakit ng 1 lalaki dhl s ibng babae rason hnd pwd..kya mabuti maaga p iwanan mo npo sya. wag k magsakripisyo dhl gus2 mo mbuo pamilya..buo pro d nmn buong msya. pwd mo nmn pkilala un tty s ank nyo blng arw maiintndhn nya yan. ksa mag stick kjn s tarantado mong asawa n pano kung d mgbgo? pano lung lumala p? pno kung d lng ikaw ang msktn kc mdaming beses n po..gcng kpo kc ang isang lalaki pag nsktn k nyan 1 beses mkukunsensya n yan. d n uulit yn. ippkta n pngcchn nyan ang unang mali nya..pro pag nkaulit po..malaki n ulo nyan dhl uulit ulitin p yan. dhl kla nya pttwarin pttwrin ntng mga babae cla. d mo n mhl kya move awy kna po..ska mas msrp ksma ung mhl mo tlga.

VIP Member

Im a single mother by choice because I chose what is better for me and my baby. Hindi na kasi about sayo ang life mo ngayon tungkol na rin to sa baby mo. Ngayon pa lang di na ka nya pinapahalagan how much more sa darating pang mga araw. Sa umpisa mahirap pero for sure kakayanin mo momsh. Di nya deserve ang love mo at mas lalong hindi mo deserve ang saktan ka nya. A baby won't keep a man, A baby can't change a man , and absolutely you can't change him. The only way na magbago sya ay kung magbabago sya ng kusa sa sarili nya. Be strong momsh and one day you'll realize that the best decision you've made was to free yourself from negativity. Your baby needs you and your baby needs a healthy and happy environment. Happiness is a choice

momy sinasaktan ka niya physically lalo emotionally.walang matinong lalaki ang gagawa nian sa isang babae lalo at may anak na kayo.lahat ng ginawa niya prove na wala syang respeto sayo.wag mo palakihin ang anak mo na nakikita na ginaganyan ka nya.mas ok na hiwalayan mo sya.hindi ibig sbhn non,pinagkakaitan mo ng tatay ang anak mo.nilalayo mo lang sya sa masamang impluwensya.kung tlgang mahal ka nya,.kahit hiwalayan mo sya, he will prove na magiging mabuting asawa na sya sayo at mabuting ama sa anak niyo.d sya susuko sayo.dun mo malalaman kung deserving sya.

Sis if I were you makikipaghiwalay na ko,sooner kapag nagkaisip na ang anak mo kung bakit hiwalay kayo ng daddy nya ipaintindi mo sa kanya from the very start. Mahirap yan sis na mag-isa mong kinaya lahat,mabuti at di ka nagkaroon ng post partum na karaniwang nagkakaroon ang mga bagong panganak. Sobrang strong mo sis pero tama na yang pagtitiis mo. I know you can be a good mother even without your partner. Malay mo makahanap ka ng totoong lalaki na magmamahal sayo. Hoping na sana kumalas kana sa puder nya. God bless sis.

iwan mo na siya sis di siya worth it isa pa sinasaktan ka niya lalo na nung buntis ka at after mong manganak mahirap makisama sa mga lalaking kagaya niya napaka walang kwenta saka ilang beses kana niyang niloko anu pang sense para i keep mo ung family mo with him, mas ok na kayong dalawa nlng ng baby mo at iwan siya!!! wala ka pang stress at wla pang mananakit sayo saka baka kung kani kanino siya pumapatolna babae baka mamaya mahawa ka pa ng aids kung sakaling magka aids siya

Hi. Di din maganda kung nagaaway kayong mag-asawa, nakikita ng bata yan. Nakakaapekto din sakanila pag lumaki, it's better na maghiwalay nalang. Pag lumaki si baby ipaliwanag nalang sakanya ng maayos kung bakit wala siyang Papa. Hindi maganda ang isang pamilyang nag aaway, kung truly ka niyang mahal di ka niya sinasaktan physically at specially emotionally. TOXIC yan. Isang malaking CANCER sa lipunan.. Walang bayag na gampanan ang pagiging lalaki. Puro pasarap..

naku mami.. ang icpin mo po na magiging desisyon mo ay yung pang-long term na resulta.. kc po if ganyan na halos wla nmn nabago? at kung wala xa kaya igiveup sa mga naging kasalanan nya.. Pra saan pa magkasama kau? In order to change, he must sacrifice his wrong doings.. pero if d nya kaya igiveup ang nga mali nyang ginagawa? mami think.. think.. think.. madami po ang batang successful na lumaki hndi buo ang family.. basta doble aruga ka lang jan sa anak mojan..

saka sis if pipiliin mo magstay, titigil naba sya? how sure are you if wla naman kamo pagbabago? dba? papaano pa if mabintis ka ulit, padamihin ang anak saka sya magdecide na iwanan ka? oh dba nagparami lng sya ng lahi? tas ikaw lahat mag.alaga or maghirap? may mga taong pinatatawad kc pinapakita worth it.. pero if ganyan.. wag na.. learn to be a single mom.. sa una lang mahirap pero sa future, pasasalamatan mo srili mo na pinahalagahan mo srli at anak mo..

Mommy alam mo na dapat sagot dyan. I understand nagwoworry ka lumaki yung bata na walang ama pero isipin mo, matutuwa ba siyang makitang umiiyak mommy nya habang lumalaki siya kasi sinasaktan siya ng Papa nya? Not a good example for the child. As soon as he grow up, maiitindihan niya yan. Sa ngayon, pahalagahan mo yung sarili mo..di lang para sayo kundi para sa inyo ng baby mo. YOU DON'T NEED A PARASITE AT HOME.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles