mabigat na sa puso

Alam ko naman na kailangan talaga namin panagutan ang baby namin. Oo responsibilidad naman namin yun. Nung nalaman namin may gastroschisis ang baby namin biglang gumuho nalang ang mundo namin, naka open yung pusod nya at nasa labas ang intestines nya, nakita na yun sa ultrasound nung 18weeks palang si baby. Wala naman akong ginawang mali sa pagbubuntis ko pero bakit? Explain ng doctor sa pag develop lang daw at 1 out of 5000 pregnancies lang nangyayari. So ayun. Ginawa namin lahat ng advise ng doctors. Lumabas na si baby nga June 17, 36weeks and 4days lang sya, tapos na cs pa ako, after 3hours i operahan agad sya and thank God nakayanan naman nya at okay na sya ngayon. Nasa nicu pa rin sya hanggang ngayon nagpapagaling. Hindi na kami maka cope up sa laki ng bill, tinutulungan naman kami ng parents namin pero hindi talaga kaya. May kapatid naman si Mama na kapitan ng barko pero parang wala lang eh, alam naman namin na hindi nya kami obligasyon pero parang wala naman syang pakealam. Mabuti pa sa ibang tao ang lakas nyang tumulong. Mahirap lng kami at alam nya yun. Parang nakaka sakit lng sa part namin. Yung asawa kasi nya eh, ang lakas mang brainwash, yun, andun sa boracay kahit alam nyang naghihirap kami sa bayarin sa hospital, masakit sa part ko, lalo na kay Mama, parang feeling nya betrayed sya ng kapatid nya halos pangumusta o offer man lang kahit "ano uutang kayo para pang hospital?" Man lang, pero wala. Parang walang nangyari eh. Pero salamat at di kami pinapa bayaan ng Diyos. Alam kong hindi nya kami papabayaan. Matatapos din ang laban na to.. Pera lang naman yan eh, mas importante pa rin ang baby namin. Kaya namin to ng partner ko, sa tulong ng parents namin. Hindi kami pababayaan ng Diyos. Sorry mommies ngpapalabas lng ako ng sama ng loob. Dito ko lng mpapalabas eh. Ang bigat bigat na kasi.

34 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Stay strong mommy para kay baby. May nabasa nadin akong ganyan case dto naging ok naman daw si baby nya 🤗 Pray lang 🙏

Pray always lang po. And hold on to God Ganun nmn tlga kung sino pa yung kapamilya mo cla pa yung mahirap hingan ng tulong

VIP Member

Just pray sis. Mahalaga ligtas na c baby mo. Pasasaan ba at maayos din ang lahat. Have faith in GOD di ka Niya pababayaan.

VIP Member

Yes, mommy. Laban lang. Di tayo bibigyan ni God ng pagsubok na di natin kakayanin. God bless you and your family.

pray lg ѕιѕ ĸaya мo yan 😊 god ιѕ ғood all тнe тιмe мanalιg lg тayo lagι ѕa ĸnya😘

Lapit po kayo sa DSWD within the hospital. Makakatulong sila sa bills nyo ipaliwanag lng ang sitwasyon.

Pag magaling na si baby, ibreastfeed mo sya mommy para di sakitin, malusong at matalino sya :)

Lapit po kayo sa DSWD at PCSO. Malaki rin po deductions nila depende sa bill at sa interview.

VIP Member

Stay strong po pra kay baby. Pray lagi. Ndi po kayo pababayaan ni Lord, lalo na si baby..

VIP Member

Malalagpasan niu din yan momy. Just pray and have faith to God. Di nia kau pbbyaan .