please don't judge me...
Alam ko isa aqng masamang babae dahil pumatol aq sa lalakeng may kinakasama na alam ko mali ang ginawa ko peru mahal ko sya ee at lalu na nagbunga ang relasyon namin alam kong mali aq at naawa aq sa magiging anak ko dahil hndi ko puede ilagay ang pangalan ng tatay nya sa birth certificate at pinupuntahan nya lang kami kapag may oras lang sya masakit peru para sa baby na nasa tyan ko kinakaya ko ang hirap din magsinungaling sa mga tao sa paligid ko na mayroon aqng masayang pamilya peru ang totoo ito aq inupa nya aq ng bahay alam ng parents ko masya aq at alam nila na mayroon aqng normal na relasyon kasu ang hndi nila alam kabet lang aq na kung kailan lang pupuntahan ayun lang.. ang sakit ng nararamdaman ko ngaun peru wala anqng magawa ito ang ginusto ko ang hirap... Kung maibabalik ko lang ang panahon hnding hndi ko na papasukin ang ganito

Nasa huli ang pagsisisi... Ngayon ang anak ang magdudusa sa kasalanan ng kanyang magulang... Hindi ka nakakaawa. Sa umpisa palang alam mo ng mali pero pinagpatuloy mo pa. So, magdusa ka. Iba na ang legal wife ngayon, kung dati kinakayan kayanan lang ng mga kabet ibahin mo na ngayon. Iba na ang tapang ng legal wife ngayon. Kaya hanggat maaga putulin mo na yang kahibangan mo. Kasalanan sa Diyos yang ginagawa mo/ninyo hanggat maaga magising ka na dapat sa katotohanan. Ilagay mo ang sarili mo sa legal wife, kung ikaw ang legal wife papayag ka ba na may kahati ka? Mag-isip isip ka sis hindi pa huli ang lahat. Boti sana kung aawayin ka lang eh paano kung aawayin ka sabay sa paghihimas mo ng rehas sa kulungan. Kahit buntis ka makukulong ka. May kilala ako buntis na nakulong. Ayon nanganak sa kulungan. Kung may respeto ka pa sa sarili mo gawin mo kung ano ang tama.
Magbasa pa