IE

Ako lang ba yung may trauma sa IE? Lalo na yung huling IE na nung may tahi na. Nakakaiyak yung sakit ??

170 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

mga momsh bakit need mag IE after ng delivery eh may tahi pa? anung need nila i-examine? prang ayaw ko n tlga ng normal πŸ˜‚πŸ˜­πŸ˜­πŸ˜­ once lng ako na IE eh, pero maayos ung s ob ko. di sya nag IE at all nung na confine lng ako. Pero nag insert sila s vag ng gamot before sakin, twice a day. kada araw iba ibang ob suskupo ung iba prang wlang paki. napakasakit para na akong nanganak πŸ˜‚

Magbasa pa

Nakaka trauma sobra, lalo na sa panganay ko. Yung tipong kakatapos lang nila magtahi, kalilipat mo pa lang ng higaan ie nanaman. Grabe takot ko nun, sabi ko sa doctor. Doc dahan dahan lang po ha, sagot sakin ni doc 'natural alangan naman diko ingatan, edi nasira naman yang tahi mo'kaloka. ngayon ka buwanan ko nanaman, so kinakabahan nanaman ako. Kasi natatakot talaga ko sa IEπŸ˜‘

Magbasa pa
5y ago

Taray naman ni doc πŸ˜…

Sa third baby ko.. talagang nakaramdam na ako ng hapdi kasi parang kada oras ako i.IE.. pero di pa po ako naka experience na i.IE after manganak. Tatlong beses na ako nanganak pero wala pa talaga. Kung sakali man ngayon sa ika.apat. sabihin ko talaga na wag dahil mukhang hindi naging maganda ang experience nyo po.. 😁

Magbasa pa

I remember sa first born ko. Syempre 19 lang ako that time and lying in lang. Pagka panganak kinabukasan uuwi na e. Nagsisisigaw ako. Kumapit ako sa pinto. Kase ia IE daw ako eh may tahi na ko πŸ˜‚ nagulat ung mga nasa ward room sa lakas ng sigaw ko. Nakakahiya. Buti naawa ung babae sakin. Hindi ako nasaktan hahaha

Magbasa pa

Yan ang kinakatakotan ko ... yung IE after manganak... grrrrrrrrrrrr nakaka trauma talaga. Nanganak ko 7 years ago but I can still remember yung feeling na nakapila ako, waiting for my turn para i.IE morning after giving birth... buntis ako ngayon and yan talaga ang isa sa pinaka gusto kong wag muna isipin HAHAHAHAHAHAH

Magbasa pa
5y ago

True sis! Mas nagtatatak saten yung sakit ng IE 🀦

Buti nalang magaang kamay ng mga midwife ko, pero meron akong isang midwife na nag IE sakin nung may spotting na ko ng 38 weeks grabe ang sakit ewan ko ba buti nalang pagbalik ko sa lying in yung original kong midwife na yung nagcheck ulit sakin until post partum kaya walang pain napaka caring ❀️

Me! Nanginginig tlga katawan ko after IE. Imagine bagong tahi tpos dukutin ng daliri ung pempem mo. Ang sakit tlaga! Tpos after 1wik follow up check up na naman imbes na pagaling na sugat mo IE na naman tpos dutdutin pa ung sugat mo tingnan kung natuyo na ba xa. Mapapamura ka tlga sa sakit eh..😁

5y ago

Haha! Kasumpa sumpa talaga ung IE na yan after mo manganak.

Ako, di na bumalik a week after manganak para sa follow up. Natrauma kasi ako sa IE. Pero naIE ako bago lumabas ng ospital. And yes, masakit. πŸ˜… Pero buti magaan yung kamay nila kaya di ganun kasakit katulad ng nurse sa lying in na nag aIE sakin nuon. Ang haba kasi ng kuko nya. πŸ˜’

Isang beses lang ako na IE nun and buti nalang na CS ako noon. Dahil super sakit!! Di na kasi kami nagsex ng partner ko nung 6months hanggang sa kabuwanan dahil hirap na. Ayun super sikip ng ano ko. Kaya nung ini IE na ko taena dkk mapigilan di umaray ng sobra πŸ˜†

VIP Member

After ko manganak takot na takot ako bumalik after 1week for post partum kasi trauma na nga ko sa IE nung preggy ako tapos nung turn ko na para icheck ni ob tahi ko IE ako tas un na prang wla lang hindi nman masakit kahit may tahi unlike nung nsa loob pa si baby