Pressure

Ako lang ba yung nappressure na manganak na? 38 weeks and 5 days ftm here . 7.1 lbs si l.o . Edd via ultz nov 30 via LMP december 4. So nag pacheck up ako sa ob ko last tuesday .. Close cervix ko so niresetahan ako ng eveprim to take oraly 1000 mg 3x a day. Sabi nya dapat daw by tuesday next week bukas na sya kasi baka iinduced nya ko. Ayaw nya umabot ng 40 weeks kasi daw matanda na placenta at baka makapoops na si lo So the pressure began there . Ayaw ko mainduced. Natatakot ako kasi mas masakit daw yun . Tsaka baka din pag lalo lumaki si lo sa loob di ko na mailabas ng normal at mcs nako . Tapos ewan ko lang .. Basta nappressure din ako sa pamilya ko . ? araw araw naglalakad ako ng umaga start nyan mga 5:30 . Kumakain ako ng fresh na pinya tapos pineapple juice din . Umiinom ako eve prim tapos sabi pwede din daw iinsert yon so nag try na din ako kanina mag insert. Etong mama ko, always nag tatanong kelan ako manganganak .. Syempre di ko naman alam at di ko sure kelan gusto lumabas ng baby ko . I am well aware na excited lang sila .. Na gusto na nila makita to. First apo both sides . So ayun chat ng chat si mama kamusta na daw ba ko? Sinasagot ko naman ng okay lang naman ako pati si baby. Tapos lagi nyang reply "Hindi ka kasi nagpapatagtag masyado . Kaya ayaw lumabas di mo tinutulungan lumabas si baby mo" "maglakad lakad ka pa kulang pa" basta laging ganyan laman ng chat nya . so ako naman parang ano pa bang kulang na gawin ko? Sinabi ko kay mga mga ginagawa ko every morning . Nag deep squats na din ako . Wala talagang hilab e. Wala talaga contractions . Naninigas lang sya . Yung byenan ko naman (sa knila ako nakatira) syempre pagod nako maglakad e. Pawis nako sa kakasquat . So nahiga saglit lang naman kasi napapagod din naman ako . Pag.pasok nya sa kwarto sabi nya "Pano ka manganganak nyan" tapos parang nakasimangot na sya then sabay labas ulit so ako kahit masakit na binti kakalakad at kakasquat tumayo ulit ako tapos naglakad lakad ng paikot ikot sa kwarto tapos naiyak nako . Nappressure nako di ko na alam . Ano pa bang dapat kong gawin? ??

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kala nila ganon kadali manganak kung ikaw nga mismo nasa katawan mo naiinip ka din tska masakit din sa tagiliran at tyan pag naglalakad lakad lalo malapit kna manganak..anyway goodluck momsh kaya mo yan