Sobrang inis kay hubby while pregnant?

Ako lang ba nakakaranas nito? Di ko alam ano gagawin pero super inis talaga ako sa papa ng baby ko, wala naman rason. Yung tipong naaamoy ko palang sya parang mainit na ulo ko and at the same time, nasusuka na ako. Naaawa naman na ako sakanya kasi parang 3x a day na sya naliligo kahit work from home sya kasi alam nya na pag maamoy ko sya, maiinis na naman ako. Btw, gusto ko amoy nya before ako nabuntis. Tapos parang super init ng ulo ko sakanya. Di ko maexplain bakit. Tinatry ko icontrol as much as possible pero super nahihirapan na ako. Maswerte lang ako kasi iniintindi ako ni hubby pero naaawa na ako sakanya kaso ewan, di ko nga sya katabi matulog na for the past 2 weeks kasi ayoko sya makita so sa sala nalang sya natutulog. Anong masasabi nyo dito mommys? Ako lang ba ganito? Pano ko to maiiwasan??

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Baka siya pinaglilihian mo sis hahaha